ABS-CBN tinanghal na best tv station sa star awards
MANILA, Philippines — Pinarangalan bilang Best TV Station and ABS-CBN na umani ng 30 parangal sa 31st PMPC Star Awards for Television. Ito ang ika-siyam na taon na kinilala ang Kapamilya network bilang Best TV Station.
Nanguna sa listahan ng mga nanalo mula sa ABS-CBN ang drama programs nito na The Greatest Love na nanalo bilang Best Daytime Drama Series, habang Best Primetime Drama Series naman ang La Luna Sangre, ang isa sa pinakapinanonood na programa sa bansa.
Samantala, tinanghal namang Best Drama Actress si Sylvia Sanchez dahil sa kanyang natatanging pagganap bilang Gloria sa The Greatest Love.
Bukod kay Sylvia, ang iba pang Kapamilya stars na nanalo sa major awards ay sina Wildflower star Aiko Melendez (Best Drama Supporting Actress), Ikaw Lang Ang Iibigin actor Daniel Fernando (Best Drama Supporting Actor), My Dear Heart” child actress Nayomi Ramos (Best Child Performer), John Estrada (Best Single Performance by an Actor for the MMK episode, Mansanas at Juice), at Maricel Soriano (Best Single Performance by an Actress for the MMK episode, Baso).
German Moreno Power Tandem awardee naman ang tambalan nin Joshua Garcia at Julia Barretto.
Kabilang sa iba pang kinilalang ABS-CBN entertainment programs ang ASAP (Best Musical Variety Show), Ipaglaban Mo (Best Drama Anthology), Goin’ Bulilit (Best Gag Show), Wansapanataym (Best Horror/Fantasy Program), at Gandang Gabi Vice (Best Celebrity Talk Show).
Naging emosyonal din ang awarding ceremony sa pagtanggap ng Hashtags ng award ni Vice Ganda bilang Best Male TV Host dahil hiniling ni Vice sa Hashtags na ialay ang kanyang parangal para kay Franco Hernandez.
Sa larangan naman ng news, pinarangalan ang TV Patrol bilang Best News Program award, habang kinilala bilang Best Female Newscaster si Bernadette Sembrano. Ang documentary naman tungkol sa Marawi na Di Ka Pasisiil ang sumungkit sa Best Documentary Special award.
- Latest