Nagbabu na sa Pilipinas noong November 1 si Kat Gumabao, ang plus-size international model na anak ni Dennis Roldan.
Bago umalis, dumalaw muna si Kat sa kanyang ama na nakakulong sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa para personal na magpaalam.
Naging praktikal si Kat sa desisyon nito na manirahan nang permanente sa Amerika para tuluy-tuloy na ang pagiging international model niya.
Alam ni Kat na hindi pa malawak ang market ng mga plus-size model sa Pilipinas kaya kailangan na gumawa siya ng sariling diskarte. Masuwerte si Kat dahil very supportive ang kanyang mga magulang sa pasya niya.
Rumampa na si Kat sa New York Fashion Week at sa Paris Fashion Week kaya madali na para sa kanya ang maka-penetrate sa international modeling scene.
I-wish natin si Kat ng good luck dahil malaking karangalan para sa Pilipinas kapag naging successful plus-size model siya sa Amerika.
Vilma forever young sa edad na 64
Well-loved talaga ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto dahil bumaha kahapon ang pagbati sa kanya ng maligayang kaarawan.
Naka-recess ang House of Representatives at timing na timing dahil walang work si Mama Vi na 64 years old na pero forever young.
Sana, katulad ni Mama Vi ang lahat ng mga artista dahil alam niya ang how to age gracefully.
Epitome si Mama Vi ng isang tunay na kapita-pitagan na aktres at public servant kaya dapat na tularan siya, hindi lamang ng mga kabataang artista kundi ng mga kasabayan niya sa showbiz na naging pabaya sa personal at professional life.
Mahihirapan ang showbiz na magkaroon ng another Vilma Santos dahil nag-iisa lamang siya. Bagay na bagay talaga ang title na ibinigay sa kanya, ang Star for All Seasons.
Apela kay Sen. Angara, ‘Don’t tax my beauty!’
May mga pumapalag sa panukala ni Senator Sonny Angara na patawan ng 20% na buwis ang mga cosmetic procedure, surgeries, at body enhancements.
Para sa mga cosmetic clinic owner, “oppressive tax imposition” ang beauty tax na isinusulong ni Papa Sonny dahil ang pakiramdam nila, may iba pang industriya na nararapat na patawan ng mas mataas na buwis.
Nag-post ako noon sa Instagram account ko tungkol sa #Don’tTaxMyBeauty na panawagan ng Flawless, ang leading beauty and skin clinic ng bansa.
Ang sey ng Flawless, “we see beauty as a powerful tool that helps people feel and function better as they go about their everyday lives.
“Highly taxing cosmetics and beauty service is unjust, unconstitutional, oppressive and discriminatory to hardworking Filipino consumers.
“As a Filipino brand that believes in bringing out the best in everyone, here’s our Flawless appeal. Give us a break and don’t tax my beauty.”
May kakilala ako na mga artista na hindi pabor sa panukala ni Papa Sonny. Ang reklamo ng stars, mabigat ang 20% tax para sa mga kagaya nila na hindi endorser ng mga skin and beauty clinic kaya libu-libo ang ginagastos nila sa pagpapaganda dahil kailangan ito sa kanilang propesyon.
Ganito rin ang dilemma ng mga tao na maliit lang ang suweldo pero nagtitipid nang sobra para matupad ang dream nila na mag-improve ang kanilang mga physical appearance. Hinihiling nila kay Papa Sonny na i-reconsider ang isinusulong na senate bill dahil affected din ang kanilang mga beauty.