Karma ni Vilma bibida sa QCinema

MANILA, Philippines — Mapapanood ang digitally restored at remastered movie na Karma na pinagbibidahan nina Vilma Santos at Seven Sundays star na si Ro­naldo Valdez ngayong Biyernes (Oct. 27) bilang bahagi ng ginanap na QCinema Film Festival.

Balikan ang kuwento ni Sarah (Vilma) na gina­hasa ni Eric (Ronaldo) sa araw ng kanyang kasal. Gayunpaman, pinili ni Sarah ituloy ang buhay kasama ang kanyang asawa na si Alfredo (Tommy Abuel). Ngunit matapos ang ilang taon at may sarili na silang pamilya ay hindi inaasa­hang magtatagpo muli ang kanilang landas.

Panoorin ang obra ni Danny Zialcita sa Trinoma ng 4:00 PM o sa Robinsons Galeria ng 6:00 PM.

Para sa ibang pang detalye, bisitahin ang www.facebook.com/filmrestorationa­bscbn sa Face­­book.

Taong 2011 nang simulan ng ABS-CBN Film Restoration Project ang pagre-restore ng classic film para mapanatiling buhay ang cinematic history ng mga Pilipino. Katuwang ang Central Digital Lab, ito ang pinakaunang restoration na ginawa mismo sa bansa.

Mahigit 120 titulo na ang nai-restore ng ABS-CBN Film Restoration Project kung saan ilan sa mga ito ay naipalabas na sa international film fests, naipalabas sa bansa via red carpet premieres, naiere sa free-to-air at cable television, natunghayan sa pay-per-view at video-on-demand, nabili sa DVD at na-download maging sa iTunes.

Show comments