MANILA, Philippines — Ratsada ngayon ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid.Katatapos lang ng successful two-night concert ng Songbird na R3.0 bilang celebration ng kanyang 30 years sa industry, heto at si Ogie naman ang magiging abala sa paghahanda sa kanyang concert na pinamagatang The Soundtrack of My Life. At ang misis naman niyang si Regine ang isa sa magiging guest. Pero pinag-iisipan niya ring isama si Nate at anak kay Michelle van Eimeren na si Leila dahil nainggit ito sa misis. Nagpakitang gilas kasi si Nate sa dalawang gabing concert ni Regine na ginanap sa MOA.
Tsika ni Ogie nang tanungin ang anak kung kinabahan ba ito, not really daw ang sagot at mataas ang self-confidence ng anak nila ni Songbird. Kaya hindi malayong mangyari na ang anak ang pumalit sa kanila ng misis pagdating ng panahon.
Sa presscon ng concert niya kahapon na ginanap sa Passion Chinese Restaurant sa Maxims Hotel, nagpasampol siya ng Nakakalokal na very upbeat. Ang dalawang sumunod niyang kinanta ay ilan sa mga paborito ng marami, ang Ikaw Lamang at Kailangan Kita. Lalong feel na feel ang mga kanta dahil sa Manila Philharmonic Orchestra. For sure maraming mag-i-emote sa concert niya sa November 30.
Kuwento naman ng concert director na si Ms. Roxanne Lapus, magiging symphonic soundtrack daw ang concert dahil nga sa music ng orchestra. Makakadagdag ito sa mga nakakaantig na kanta ni Ogie.
Pero hindi lang daw puro hugot at emote ang mapapakinggan dahil siguradong mag-i-enjoy ang lahat ng mga manonood maging ang millennials.
May inspirational song number din sila ni Regine bilang testimony ng mag-asawa kung paano sila nagiging mas malakas para sa isa’t isa sa tulong ni God.
Ilan pa sa mga aabangan ng fans ni Ogie sa one-night only concert niya sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila (RWM) ay ang kanyang hit songs na Dito Sa Puso Ko, Ikaw Sana, Hanggang Ngayon, Kung Mawawala Ka, Nandito Ako.