Heart biglang naalala si John Prats!

Heart Evangelista

Overwhelmed si Heart Evangelista sa rami ng tao na dumating sa mall show nila nina Alexander Lee, Divine Aucina at Iya Villania sa SM City Bacolod. Kita sa IG story na pinost ni Heart ang dami ng tao sa venue. Pati sa likod ng mall kung saan naka-park ang sasakyan nina Heart, marami pa ring tao na nakasilip sa mga butas ng pinto.

Kinalampag ng tao ang pintuan nang makita sina Heart. Mabuti na lang at matibay ito kaya hindi nabuksan. Kita sa mukha ni Heart ang gulat at tuwa sa rami ng tao at ‘pag nag-post siya ng pictures, makikita n’yo rin ang pruweba.

Ang request ng sumusubaybay sa My Korean Jagiya na sana pagbigyan ng GMA-7 ay ang mall show na kasama sina Ricky Davao at Janice de Belen.

Ikinumpara ni Heart sa kilig dati ng fans nila ni John Prats ang kilig sa kanila ni Alexander ngayon at ang mas nakakatuwa pa, may asawa na siya sa palabas. 

Cristine nakapag-promote kahit bawal

Pinayagan si Cristine Reyes ng ABS-CBN na i-promote ang pelikulang Spirit of the Glass 2: The Haunted sa ASAP last Sunday, kahit kasabay ng showing nito sa November 1 ang The Ghost Bride ng Star Cinema.

Sa presscon ng Spirit of the Glass 2, nabanggit ng OctoArts Films producer na may mga gimik sila sa premiere night sa October 30. Isa na rito ang pabonggahan ng Halloween costume, kaya pumunta na sa SM Megamall in your best Halloween costume at tiyakin ninyong mananalo kayo.

Pagod ni Regine sa concert tanggal sa anak

May 138,453 views and likes na ang video na pinost ni Regine Velasquez na minamasahe ni Nate ang kanyang mga paa na napagod sa mga suot na high-heels sa two-night R3.0 concert.

Sabi ni Regine, “Ang sarap ito ang premyo ko massage from my Boo.”

Sa concert ni Regine ang launching ni Nate bilang singer at concert performer.

Nasa album din ni Regine ang duet nila ni Nate na I Can.

Partner ni Marian paborito ang puso ng saging

Hindi kami agad sinagot ng Fil-Am actor na si Matthias Rhoads na leading man ni Marian Rivera sa Super Ma’am nang tanungin namin ng “how Filipino are you?”

Kinuwento muna nito ang maternal grandmother niya na namatay a few days ago sa States na hindi na niya napuntahan dahil may taping siya. Banggit niya 101 years old na ang lola niya nang mamatay na kasama nila sa bahay sa States. Naalala niya na may tanim silang saging sa likod ng kanilang bahay at ang banana blossom o puso nito ay ginugulay at ginagataan. Ayaw daw niyang kumain noong una ng ginataang puso ng saging, pero later on, kumain na rin siya.

“I guess, eating ginataang banana blossom was part of me being Filipino. In fact, I love all the Filipino food. I like nilaga, sinigang, I’ve eaten balut, pero mas gusto ko ang penoy. I feel a little bit more Filipino staying in the country,” sabi ni Matthias.

Show comments