^

PSN Showbiz

Solenn bihira nang makita ang asawa!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Naniniwala kaming close na sina Solenn Heussaff at Betong Sumaya, ang mga host ng All-Star Videoke dahil binig­yan ni Solenn si Betong ng pahintulot na laitin siya sa show.

“Medyo shy siya sa umpisa and I told him, made fun of me ‘di ako magagalit. Kahit sabihin pa niyang mukha akong kabayo okay lang. I guess, we’re more comfortable now at marami na kaming adlib sa show,” sabi ni Solenn.

Ang nagpapa-stress kay Solenn ay ang matutong magsalita ng Tagalog at kumanta ng Tagalog songs na tinutulungan naman siya ng staff at ni Betong. ‘Kaloka lang dahil wala pang episode ng All-Star Vi­deoke na napapanood si Solenn dahil sa sobrang busy nito. Kung hindi siya nagti-taping ng show nila ni Betong, nagti-taping siya ng Alyas Robin Hood 2, Taste Buddies, TriPinas at It Girls.

Kahit Sunday ang airing ng All-Star Video, busy pa rin si Solenn at nang makausap nga namin, hindi pa sila nagkikita ng mister niyang si Nico Bolzico mula nang bumalik siya ng France to attend a friend’s wedding. Baka, this Sunday (October 8) na sila magkita kahit Thursday pa siya nakabalik ng bansa.

Samantala, aba­la rin si Solenn sa Lahi at Kalsad. Ang Lahi ay collab nila ng sister niyang si Vanessa kung saan, dini-design nila via hand embroidery ang vintage jackets, denims, twill o leather ng things about the Philip­pines. Magbebenta sila ng 50 pieces, ang 20 pieces, for sale online at makakapili ang bibili ng design. ‘Pag nag-boom, ibang design ang gagawin ng magkapatid.

Ang Kalsada ay exhibit ng paintings nila ng nephew niyang si Kaeden sa Provenance Gallery sa Shangri-La Fort sa October 20 up to November 5. Street party ang mode ng exhibit, may street food at music na open sa lahat. Trapik at mga nakikita sa kalsada ang concept ng second painting exhibit ni Solenn.

Cristine, Maxine, at Ashley sumabak din sa Ouija Board!

Napapanahon ang story ng Spirit of the Glass 2: The Haunted pati ang trabaho ng karakter ng tatlong mga bida.

Si Cristine Reyes as Bea ay isang lifestyle editor, si Ashley Ortega as Lisette ay isang upcoming young actress at si Maxine Medina as Chelsea ay isang popular model for mainstream and viral advertising.

Pero nagkaroon pa rin sila ng time to play Ouija Board at doon nagsimula ang katatakutan sa horror film sa direction ni Joey Reyes, produced ng Octoarts Films at showing sa November 1.

First movie ni Maxine ang Spirit of the Glass 2: The Haunted kung saan kapareha niya si Benjamin Alves. Si Enrico Cuenca ang partner ni Ashley at si Daniel Matsunaga naman ang kapareha ni Cristine.

Sabi pala ni Direk Joey: “The sequel is totally independent from the original story. However, it also employs the same tropes of the first  Spirit ...that is, the discovery of an Ouija board and the carelessness of opening the gateway of the ‘other world’ into the domain of the living. The characters are different but there are echoed of the original in terms of story structure.”

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with