John Lloyd babu muna sa showbiz, may aayusin sa ibang bansa!
Magpapa-rehab o aalagaan si Ellen?
Pahinga muna si John Lloyd Cruz matapos silang magkasundo ng management ng ABS-CBN.
Indefinite leave of absence. Ibig sabihin walang kasiguruhan kung kailan siya babalik.
Ayon sa statement na ipinadala ni Kane Errol Choa, Head, ABS-CBN Integrated Corporate Communications, may mga aasikasuhin munang personal na bagay ang actor sa ibang bansa.
Narito ang kabuuang statement ng ABS-CBN:
“ABS-CBN and John Lloyd Cruz have agreed for him to take an indefinite leave of absence to attend to personal matters.
John Lloyd will be taking a break outside the country and will return to ABS-CBN after his leave of absence.”
Siyempre hinulaan agad na aalis ang actor kasama ang girlfriend na si Ellen Adarna na nababalita namang buntis.
Ilang weeks na rin silang pinag-uusapan matapos ngang ilantad sa social media ang pinaggagawa nila nang magbakasyon sa Cebu at intimate moments nila na hindi naman dating ginagawa ng actor sa mga dating nakarelasyon niya.
Meron din namang nagsasabi na umano’y magpapa-rehab ang actor dahil nga raw sa ipinakikita nitong kilos sa kasalukuyan.
Saan nga kaya ang destinasyon ni Lloydie? Papa-rehab nga ba siya o aalagaan si Ellen?
Anyway, ayon kay Kane mapapanood pa si John Lloyd sa episode ng Home Sweetie Home ngayong gabi pero wala siyang ibinigay na detalye kung hanggang kailan ang contract ng actor sa Kapamilya Network.
Pero hindi na makakasama ang actor sa gaganaping Kapamilya Fiestaworld sa Barcelona sa October 15.
Alden Richards
Matapos aminin ang naranasan ng inang bipolar depression, Alden dinagsa ng pagmamahal
Inamin ni Alden Richards na dumanas ng depression ang namayapa niyang ina.
“It really doesn’t matter how much you have, big or small as long as you know how to share; that’s what really matters.
“My mom suffered from bipolar depression all her life when she had us. I know every single detail of it and how hard she suffered from it,” pagbabahagi ng ka-loveteam ni Maine Mendooza sa kanyang Twitter account.
Kaya naman dinagsa ng ‘pagmamahal’ si Alden matapos niyang ikumpisal ang pinagdaanan ng ina.
Anne Curtis
Anne ipinasilip ang hitsura pag lakad sa altar!
Ipinasilip ni Anne Curtis ang kanyang magiging hitsura sa araw ng kanyang kasal na ngayon ay pahulaan pa rin kung saan at kailan.
Si Anne ang cover ng glossy magazine na Metro Wedding at grabe ang daring niyang bride sa isang cover photo. Pero meron din naman ibang-ibang Anne ang hitsura. Fresh na fresh siya sa long hair with bangs.
Bumagay sa kanya actually ang nasabing hairstyle at simple make-up.
Balitang nag-fit na ng wedding gown si Anne nang lumipad ito pa-LA last week. Hula nila, ang sikat na Pinay designer na si Monique Lhuillier ang tumahi ng isusuot nitong pangkasal sa araw ng pag-iisang dibdib nila ng Erwan Heussaff.
Joey de Leon
Humingi ng tawad sa pagiging insensitive , Joey de Leon napagkamalang stress ang depression!
Nagkamali. Hinusgahan. Nanghingi ng paumanhin.
Kahapon nga ay nagpakumbaba si Joey de Leon kaugnay sa pahayag niyang gawa-gawa lang ang depresyon ng mga nakakaranas nito. At dapat pabayaan lang. Sabi niya pa ay nagpapasosyal lang naman dahil pag mayaman depression ang tawag, pero pag mahirap wala nang pag-asa sa buhay.
Kinuyog si Joey pagkatapos na pagkatapos niyang pakawalan ang mga nasabing statement sa episode ng Eat Bulaga nung Huwebes ng tanghali sa kanilang Sugod Bahay portion.
Kahapon, Biyernes ng tanghali, kinabiliban ang pag-amin niya ng pagkakamali.
“Habang nabubuhay po tayo eh natututo tayo ng mga bagong bagay-bagay. Nagkamali po ako. So kahapon (Huwebes) po tungkol sa depresyon na nabanggit ni Maine, pinagalitan ako ng misis ko, si Eileen pag-uwi ko. Oo, pinagalitan ako.
“Pinaliwanag niya, pati mga anak namin. Sinabi, ‘Daddy hindi stress ‘yan depression.’ ‘Yun ang alam ko eh. ‘Yung iba, pag nawalan lang ng boyfriend, nadi-depress na. Hanggang sa naggaganun pa ako.
“Pinaliwanag niya. Lalo akong nahiya sa sarili ko na banggitin ni Eileen na may malalapit kaming mahal sa buhay na nagdurusa sa ganoong kalagayan,” paunang sabi niya.
“Ako’y humihingi po ng paumanhin sa mga napaitan sa mga nabanggit ko. Ahhh at humihingi ng pang-unawa.
“Kagabi tinawagan ko si Maine, nag-sorry ako kay Maine agad dahil siya ang nagbanggit nu’n sa usapan namin tatlo eh. Siya ang nagbanggit tungkol sa depression. Medyo nakaluwag ang paghinga ko dahil hirap nga ako matulog hanggang hindi umaabot ang pagkakataon na ito.
“At kung may maidudulot mang mabuti ang aking pagkakamali eh sanay mabuksan nito ang maraming pinto ng pagtalakay sa isyu na ito at tungkol sa depression. Hindi ko alam na ganoon kalawak, kalalim. Akala ko stress, ganyan, ganyan.
“So muli, humihingi ako ng kapatawaran sa mga, mga nasaktan, nagalit. I’m sorry at may kasabihan tayo, na mapait man ang ugat ng karunungan o edukasyon, eh karaniwan namang matamis ang ibinubunga nito.
“’Yun lamang po at maraming salamat po!” ang panghihingi ng paumanhin ng TV host/comedian.
Hindi na nagsalita si Maine habang nanghihingi ng paumanhin si Joey na kanyang kinontra sa ere ang mga pahayag sa nasabing klase ng karamdaman kaya pinuri-puri siya sa social media.
- Latest