Inigo kaboses na ni Piolo

Inigo Pascual
SEEN: Namumula at may mga pasa ang makinis na binti ni Louise delos Reyes dahil kinagat siya ng mga niknik sa set ng Ang Probinsyano.
SCENE: Hindi pa nagbabago ang ugali ni Empoy Marquez ang sabi ng mga co-star niya sa The Barker ng Viva Films. Down-to-earth pa rin si Empoy sa kabila ng box-office success ng Kita Kita.
SEEN: Sa October 17 ang red carpet premiere sa SM Megamall Cinema ng Bes and The Beshies, ang comedy movie nina AiAi delas Alas, Zsa Zsa Padilla, Beauty Gonzales, at Carmi Martin.
SCENE: Spotted sa Ninoy Aquino International Airport noong Linggo sina Dra. Vicki Belo, Hayden Kho, Jr.at ang kanilang anak na si Scarlet Snow. Bumalik sa Paris, France ang Kho family, isang buwan matapos ang kanilang pagpapakasal sa The American Church in Paris.
SEEN: Binigyan ng malisya ang pag-follow ni Kris Aquino sa Instagram account ni Sharon Cuneta dahil maingay ang isyu tungkol sa hindi pag-imbita sa Megastar sa Star Magic Ball noong Sabado.
SCENE: Pa-cute si Inigo Pascual sa guesting nila ni Maris Racal sa Gandang Gabi Vice noong Linggo. Habang nagkakaedad, nagiging kaboses ni Inigo ang kanyang tatay na si Piolo Pascual kaya hindi maipagkakaila na tunay na mag-ama ang dalawa.
SEEN: May mga naninibago sa kilay ni Randy Santiago dahil umarko ito na karaniwang nangyayari sa mga tao na nagpaturok ng botox para mawala ang mga kulubot sa kanilang mga noo.
- Latest