Nangungumpisal pagkatapos AiAi, pinagbibigyan ang init ng katawan ng magiging mister
Susunod si AiAi delas Alas sa tradisyon ng pagpapakasal.
“Something old, something new, something borrowed, something blue and a sixpence in her shoe” na karaniwang mini-memorya ng mga ikinakasal sa simbahan.
Pero wala pang idea si AiAi kung ano at saan-saan niya kukunin ang mga something na kinaugalian ng mga ikakasal.
Sa something borrowed, alam na ng actress-comedian ang hihiramin, alahas. Pero hindi pa niya alam kung kanino.
Sa something old, new and blue and sixpence in her shoe, hindi pa napapa-finalize ni Ms. Ai na humarap kahapon sa entertainment media para sa contract signing niya bilang kauna-unahang endorser ng Pitalicious Shawarma na pag-aari ng mag-asawang Brian Francisco.
Samantala, pigil na pigil naman si AiAi sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa pre nuptial agreement nila ng mapapangasawang si Gerald Sibayan.
Ayon kay Ms. Ai, ginawa niya ‘yun para sa kanyang mga anak. “Saka masipag naman kami ni Gerald. Hindi rin naman pera ang essense ng pagmamahalan namin,” katuwiran niya.
Besides nakasaad naman pala sa nasabing pre nup agreement na may certain percentage naman silang paghahatian kung saka-sakali.
Naurirat din namin si AiAi tungkol sa pina-practice nilang celibacy na inaamin niyang matagal na nilang ginagawa although paminsan-minsan ay ‘bumibigay’ siya sa mas batang magiging mister. “Halimbawa anniversary namin. Siyempre mas bata ang lolo mo (Gerald),” pag-amin niya sa interview.
Nagsimula siyang maging inactive sa pakikipag-make love nang pagkalooban siya ng Papal Award (Pro Ecclesia et Pontifice - for the Church and Pope) medal galing sa Simbahang Katoliko sa pangunguna ni Pope Francis.
Isa rin ito sa mga rason kaya hinabol nila this year ang pagpapakasal sa simbahan.
Luis pakakasalan na si Jessy
Malinaw ngang sa simbahan na ang tuloy ng relasyon nina Luis Manzano and Jessy Mendiola.
Sa programang Magandang Buhay kahapon ng umaga ay sinasabi nitong si Jessy na ang nakikita niyang future.
Nagpapasalamat din siya at nagtagpo ang landas nila ng actress. “‘Yung parang if people ask me ano ‘yung nakikita ko sa magiging gusto kong maging future wife ko or future mommy ng mga anak ko, she’s the first face I see,” ang sabi ni Lucky.
Pahayag pa niya, sobra ang nagiging pag-aalaga sa kanya ni Jessy.
“Alam n’yo, never pa akong naalagaan nang ganito. And it sounds selfish na kaya ako happy dahil may ginagawa siya para sa akin, hindi ‘yung ganu’n. Dahil parang inspirado ka to be more. ‘Yung ‘yun parang ganu’n.
“Dahil sa sobrang alaga na pinapakita niya sa ‘yo, you want to be a better man, a better person dahil sa ipinapakita niya sa akin.
“So, I’m thankful, I’m very, very thankful na our paths did cross. Who would have thought? Never namin naisip, unang-una ‘yung age gap, ang layo. Ang layo ng mga nakakahalubilo niya sa mga nakakahalubilo ko.
“So, the fact na nagkrus kami in a romantic way, parang thank you,” ang pasasalamat niya sa Diyos na napunta sa girlfriend ang lahat ng mga kailangan niyang makasama.
John Lloyd may kakaibang gagawin sa career?!
May iba nga bang binabalak si John Lloyd Cruz sa career niya? Nagbabalak na nga ba siyang maging artist (magpinta) na lang at ipaubaya na lang sa mga batang artista ng Kapamilya Network ang pamamayagpag ng career?
Ayon sa isang source, true daw na meron itong binabalak pero hindi pa decided at nasa process pa na kailangan niyang plantsahin ang lahat lalo na nga’t halata namang maligaya ito sa piling ng sexy actress na si Ellen Adarna na sinasabi niyang “sobrang baduy neto pero this girl really did something good to my soul. I’ll always be grateful” (na caption sa kanilang intimate/sweet moment ng sexy star sa kanyang IG account.)
Hinihintay kung dadalo ang actor sa gaganaping Star Magic Ball bitbit si Ellen.
- Latest