Mga palabas ng Cine Lokal magkakaiba ang tema

MANILA, Philippines — Iba’t ibang konsepto ng love at passion ang mapapanood sa Cine Lokal films na ipapalabas ngayong Setyembre gaya ng I Found My Heart in Santa Fe, I Love You, Thank You, at Singing in Graveyards.

Tungkol sa dalawang taong na-inlove sa magandang lugar ang pelikula ni Bona Fajardo na I Found My Heart in Santa Fe. Pinagbibidahan ito nina  Roxan­ne Barcelo at Will Devaughn na ang mga eksena ay kinunan sa napakagandang lugar sa Cebu. Kasalukuyan na itong napapanood na tatagal hanggang September 21 sa SM Cinemas (Mall of Asia, Megamall, North Edsa, Fairview, Southmall, Bacoor, Iloilo and Cebu).

Kinunan naman sa Vietnam, Cambodia, at Thailand ang I Love You, Thank You  na idinirek ni Bebs Gohetia. Tungkol ito sa tatlong lalaki na pawang mga sawi sa relasyon. Palabas na ang I Love You… simula September 22 hanggang 28 SM cinemas (Mall of Asia, Megamall, North Edsa, Fairview, Southmall, Bacoor, Iloilo and Cebu).

Sa September 29 hanggang October 5, ang international award-winning film naman na Singing in Graveyards ni Bradley Liew ang mapapanood sa big screen. Bibida sa nasabing pelikula si Pepe Smith bilang ang 68-year-old na impersonator ng Filipino rockers na nabigyan ng chance na magtanghal sa concert ng isang rock legend sa isang kundisyon – ang sumulat ng love song na never pa niyang nagagawa. Panoorin ang Singing in Graveyards sa SM cinemas (Mall of Asia, Megamall, North Edsa, Fairview, Southmall, Bacoor, Iloilo and Cebu).

Show comments