Noong Sabado at Linggo ng gabi ay pinag-usapan sa social media ang bagong show ni Luis Manzano na I Can See Your Voice. Nagmula sa Korea ang franchise ng bagong programa ni Luis.
Ayon sa aktor ay nakaramdam siya ng pressure dahil tatlo talaga ang hosts ng nasabing Korean hit. “’Yung pressure nga sa akin as host kasi tatlo nga ang hosts sa Korea. Pero this time, ako nga lang ang gagawa ng trabaho ng tatlo. So far, so good naman and after seeing a few episodes magiging fan ka talaga ng show,” nakangiting bungad ni Luis.
Natural ang pagkahilig ng mga Pinoy sa pagkanta at ngayon ay hindi lamang ang mga magagaling kumanta ang mapapanood sa I Can See Your Voice. “We Filipinos, we love singing shows. Kadikit na ng mga bituka natin ang mga singing shows kaya lahat ng singing shows number one parati sa ratings. Pero this time talagang hinahanap namin ang sintunado,” dagdag ni Luis.
Samantala, masayang-masaya ang aktor sa kanilang relasyon ni Jessy Mendiola. Maging ang inang si Vilma Santos-Recto ay humihingi na rin daw ng apo mula kay Luis. “Hindi ako napi-pressure kasi gusto ko naman. I’m hoping din naman sooner or later pero I have to give respect din sa timeline ng iyong partner,” pagtatapos ng binata.
Ruffa awang-awang pa rin kay John Lloyd
Pinag-usapan sa social media noong isang linggo ang kontrobersyal na mga video ni John Lloyd Cruz. Nagbakasyon sa Cebu kamakailan ang aktor kasama si Ellen Adarna at doon kuha ang mga kontrobersyal na video.
Ikinagulat daw ng dating kasintahan ni John Lloyd na si Ruffa Gutierrez nang makita ang mga video ng aktor sa Internet. “I’ve seen it and I’m shocked. Na-shock at saka naawa ako,” bungad ni Ruffa.
Agad na nagpadala ng mensahe ang aktres kay John Lloyd noong makita ang naglabasang videos. “Maliit lang naman ang industriya and may pinagsamahan naman kami. So I messaged him and I said I’m offering my prayers, hope whatever it is that you’re going through malampasan mo ‘yan. He sent a message back and sabi niya, ‘I really appreciate you checking up on me.’ Siyempre sa amin na lang ‘yung conversation namin. Na-appreciate naman niya ‘yung text ko. We’re not the best of friends and we don’t hang out but we have a civil relationship. I can say that we’re friends. Whatever things that we’ve been through in the past, naayos na ‘yon, matagal na,” pagbabahagi ni Ruffa.
Hindi na binigyan ng payo ng aktres si John Lloyd dahil para kay Ruffa ay nasa tamang edad na ang aktor. “I don’t want to give him advise kasi matanda na siya. He knows what he’s doing and if he approves of that then that’s his thing. For me personally, I’m always very particular of who I’m with. I want to surround myself with good people, surround myself with positive people and people that will protect me and not people that will put me in a bad light. Especially it takes you so long and so hard to build a career, to build a life and in an instant masisira lang,” makahulugang pahayag ni Ruffa.