Winwyn pinakaunang Reina Hispanoamericana Filipinas

Winwyn Marquez

SEEN: Bago sa pandinig ng mga Pilipino ang beauty title na napanalunan ni Winwyn Marquez sa Miss World Philippines 2017 noong Linggo, ang Reina Hispanoamericana Filipinas. Lalaban si Winwyn sa Reina Hispanoamericana beauty pageant sa Bolivia sa November 2017. Si Laura Lehmann ang nagwaging MWP 2017.

SCENE: Proud mentor si Jonas Gaffud dahil natulungan niya na magkaroon ng beauty crown ang dalawang anak ng mga veteran actor, sina Winwyn Marquez at Mariel de Leon. Sina Joey Marquez at Alma Moreno ang mga magulang ni Winwyn at anak si Mariel nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

SEEN: Judge si Diether Ocampo sa coronation night ng Miss World Philippines 2017. Stiff umarte si Diether at hanggang sa pagiging hurado, stiff pa rin siya.

SCENE: Judge rin sa Miss World Philippines 2017 ang newcomer actor na si David Licauco. The who? ang tanong ng lahat nang ipakilala si David bilang hurado.

SEEN: Marami ang natuwa sa bihirang pagkakataon na pagsasama nina Nora Aunor at Vilma Santos sa isang entablado at nangyari ito noong Linggo sa Star Awards for Movies na ginanap sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

SEEN: Nabago ang oras kahapon ng presscon ng Ang Pamilyang Hindi Lumuluha, ang indie movie ni Sharon Cuneta na mapapanood bukas sa mga sinehan. Mula sa original invite na 1 p.m., na-move ng 2 p.m. ang presscon na hindi nakapagtataka dahil madalas na latecomer si Sharon sa mga commitment niya.

SCENE: Pang-Mulawin vs. Ravena ang may mga balahibo at dahon na pink gown ni Carla Abellana, isa sa mga host ng Miss World Philippines 2017.

Show comments