Gretchen star na star sa birthday ni Atong Ang

Gretchen at Atong Ang

MANILA, Philippines - Star na star si Gretchen Barretto sa birthday blowout ng negosyanteng si Atong Ang sa mga litratong uploaded sa social media sa isang sosyal na hotel.

Parang wala nang pakialam ang dating sexy actress kahit pa binibigyan ng malisya ang closeness nila ng negos­yante lalo nang maaktuhan silang nagpapa-escort sa airport from Bangkok at makita silang sweet-sweet-an sa isang Chinese restaurant kamakailan.

Marami tuloy nang-iintriga na baka nga masyadong mabait ang partner ni Gretchen na si Mr. Tony Boy Cojuangco at maluwag siya kay Gretchen kahit na nga may malisya na ang madalas na pagsasama ng dalawa na ang sabi ay may mga business transactions lang diumano ang dahilan ng pagkikita.

Pero siyempre kahit anong paliwanag, tuloy ang pagmamalisya ng karamihan sa madalas nilang pagsasama.

Julian at Ella

Ella at Julian ayaw magpanggap!

Uy ang lakas ng dating ng trailer ng pelikulang Fangirl/Fanboy nina Ella Cruz and Julian Trono.

Bongga, parang nakahanap ng right material ang Viva Films for the love­team na kasalukuyang nilang ipinu-push.

Kaya naman ang sipag-sipag nilang mag-promote ha. Base sa mga post ng Viva Films sa kanilang social media account, parang naikot na yata nila ang lahat ng mall sa Pilipinas. Hahaha. Na in all fairness, laging jampacked ang mga puntahan nilang mall.

Ang maganda sa magka-loveteam hindi sila nagpapanggap na nagkakainlaban. Mabilis ang sagot nila ‘pag tinanong mo na hindi sila at sinasamantala nila ang opportunities na dumarating sa kanila.

Ito ay kahit maraming nakakapansin na lagi silang magkahawak kamay sa mga pinupuntahan nila.

Isang teen-oriented romance comedy ang Fangirl/Fanboy na tungkol sa guwapung-gwapo sa sariling  wannabe actor at ang isang talented teleserye dubber. Pumayag na ma-improve ang acting ang nag-iilusyong guwapong aspiring actor na nakatulong para sumikat siya. Pero ito ang magiging rason para ma-heartbroken siya (Ella). 

Kasama rin sa movie sina Yam Concepcion (Soo Mi Young) na gumaganap na Korean actress bilang Sandy/Android 5000 sa Koreanovelang Program for Love, voiced by Aimee Bausta (Ella’s character) and Ronnie Liang (Min Jun Park) - Korean Actor na kapareha ni Soo Mi Young sa Program for Love.

Si Barry Gonzalez ang director ng pelikula na dating assistant director ng maraming pelikula ng Star Cinema bago nabigyan ng chance ng Viva Films.

Showing na ang Fangirl/Fanboy sa September 9, Wednesday.

Kapamilya, Thank You, isang milyon na ang members

Isang milyon na ang miyembro ng Kapamilya, Thank You, ang kalulunsad lamang na customer loyalty program ng ABS-CBN.

Ayon kay ABS-CBN head of customer relationship management na si Richmond “Ezer” Escolar, layunin ng proyekto na kilalanin at maintindihan ng personal ang mga Kapamilya bukod sa pagbibigay ng pasasalamat para sa kanilang suporta sa mga produkto at serbisyo ng Kapamilya network.

Ilan sa rewards na puwedeng matanggap ng mga Kapamilya ang meet and greet with a Kapamilya star, tickets sa ABS-CBN Studio Tours at shows tulad ng ASAP at It’s Showtime, freebies mula sa ABS-CBN Store, free access sa KBO ng ABS-CBN TVplus at SKY Pay-Per-View, access sa iWant TV exclusive content, at free SMS, data, o calls gamit ang ABS-CBNmobile.

Dagdag ni Ezer, marami na ring nakuhang gifts ang members ng loyalty program tulad ng KBO movie marathons at iWant TV all-access pins sa loob ng maikling panahon. May mga members din na piniling i-donate ang kanilang naipon na points sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation.

Samantala, puwedeng maging member ng “Kapamilya, Thank You” sa pamamagitan ng free online registration sa thankyou.abs-cbn.com. Gumawa lamang ng Kapamilya Name at i-enroll ang ABS-CBN at SKY Cable na mga produkto at serbisyo na gamit mo.

Show comments