Gelli gusto pang mag-diet!

Gelli de Belen

MANILA, Philippines - Sa payat na ‘yun ni Gelli de Belen, gusto pa niyang mag-diet ha.

Yup, you read it right. Tumataba na raw siya kaya kailangan niyang mag-diet sabi niya nang makasabay namin sa Bambbi Fuentes Salon days ago.

Grabe kung lahat nang tumataba ay tulad niya, paano pa ‘yung mas malaki ang katawan sa kanya?

Kaliga ni Nay Lolit si Gelli na adik din sa KDrama kaya magkasundo sila sa tuwing magkikita sa salon ni Bambbi.

Kobe Paras

Kobe matigas pa rin ang damdamin sa ina

Maraming nag-agree sa isinulat ko sa PM (Pang-Masa) na bobongga ang career ni Kobe Paras kung patatawarin nila ng kapatid niyang si Andre ang ina nilang si Jackie Forster.

Kinabiliban ang galing ni Kobe sa SEA Games kung saan naka-gold sa basketball ang Gilas Pilipinas.

Kung magri-reach out daw siya sa ina ay mas bibigyan siya ng reward ng Diyos at baka mas mapadali ang paglalaro niya sa NBA.

Maraming beses na kasing nagsusumamo ang dating aktres na kanyang dalawang anak pero nanatili siyang matigas ang damdamin.

Cast ng The Battleship Island

Lolit Solis may bago nang kinababaliwan

Grabe ang tilian sa sinehan nang ipalabas ang trailer ng period Korean movie na The Battleship Island na pinagbibidahan ng Korean superstars na sina Song Joong Ki at So Ji-sub.

Base sa reaction at tilian, obvious na pipilahan ito, na magsisimulang ipalabas sa mga sinehan natin bukas, Wednesday.

Ito ang last project ni Song Joong Ki na sumikat sa KDrama na Descendants of the Sun na ikakasal sa end of October sa naging leading lady niya sa nasabing KDrama na si Song Hye Kyo.

Pinilihan at sumira sa box-office record ng pelikulang Train to Busan ang Battleship Island nang ipalabas ito sa Korea dahil balitang bumenta ito ng 1 million tickets sa first day.

Pero kung excited ang marami sa showing, malungkot naman si Nay Lolit Solis dahil nagkataong aalis siya biyaheng Paris para sa kasal nina Drs. Hayden Kho and Vicki Belo.

Hinayang na hinayang siya na ‘di siya makakapila sa first day ng showing nito sa bansa.

Itinuturing niyang first love ang bida ng pelikula na si Song Joong Ki. Pero dahil sa nangyari, feeling ng beteranang talent manager at movie columnist na sign na ‘yun na kalimutan na niya ang nasabing actor at ibaling na sa iba ang kanyang nararamdaman. Hahaha. Yup, ganun na kalala ang kanyang pagmamahal sa mga Korean actor to the point na umaasa siyang sa kanyang next life na magiging Korean princess siya at pag-aagawan ng mga Korean actor. Hahaha.

Ngayon may bago na siyang idolo, si Jo In-sung na pinagkakaabalahan naman niyang panoorin ang mga KDrama at pelikulang nilabasan nito.

Show comments