Kapamilya umani ng 18 tropeo sa Aral-Parangal Awards
MANILA, Philippines - Muling nagwagi ng Best TV Station award ang ABS-CBN at nag-uwi rin ito ng 18 kabuuang tropeo para sa entertainment at news shows, personalidad, at journalists nito sa Young Educators’ Convergence at SOCCSKSARGEN 3rd Aral-Parangal Awards sa Mindanao.
Bukod sa Best TV Station award, pinarangalan din ang ABS-CBN News ng apat na awards kabilang ang Best TV News Program (TV Patrol), Best Educational TV Program (Matanglawin), Best TV Program Host (Gus Abelgas), at Best TV Public Affairs Host (Boy Abunda).
Sa entertainment category, nasungkit ng FPJ’s Ang Probinsyano, ang pinakapinanonood na programa sa bansa ng Best TV Primetime Drama Series, habang kinilala bilang Best Drama Actor si Coco Martin. Nagwagi namang Best Child Performer ang breakout child star na si Awra Briguela.
Panalo namang Best TV Drama Anthology ang MMK, ang longest running drama anthology sa Asia, habang ang top-rating noontime show na It’s Showtime ang itinanghal na Best TV Variety Show. Best Female TV Host at Best Male TV Host naman ang hosts ng It’s Showtime na sina Vice Ganda at Anne Curtis.
Kabilang din sa mga Kapamilya winners sina Liza Soberano (Best Drama Actress), John Lloyd Cruz (Movie Actor of the Year), Bea Alonzo (Movie Actress of the Year), Luis Manzano (Best TV Game Show Host), Pokwang (Best Comedy Actress), at ang Star Cinema box office hit na A Second Chance (Movie of the Year).
- Latest