^

PSN Showbiz

Empoy nag-ikot muna sa lahat ng network bago sumikat

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ang 36-year old comedian na si Empoy Marquez (Julius Erman Marquez sa tunay na buhay) ay nagsimula sa showbiz nang siya’y sumali sa Mr. Suave Look-Alike Singing Contest sa dating noontime show ng ABS-CBN, ang Magandang Tanghali Bayan in 2003 kung saan siya ang nanalo. Ito ang kanyang naging pasaporte para tuluyan na siyang pumalaot sa mundo ng showbiz.

Halos nalibot na rin ni Empoy ang tatlong major TV networks – ABS-CBN, GMA at ang TV5.  Nga­yon ay balik siya ng Kapamilya Network dahil bahagi na siya ng gag show na Banana Sundae.

Although kilala si Empoy bilang isang mahusay na komedyante, ang kanyang premium ay biglang nag-iba at tumaas nang siya’y ipareha kay Alessandra de Rossi sa surprise hit rom-com movie na Kita Kita na idinirek ni Sigrid Andrea Bernardo under Spring Films.

Ang Spring Films din ang nagbigay ng break kay Eugene Domingo na maging major star sa pamamagitan ng kanyang Kimmy Dora movie series.

Aegis bibirit uli sa RWM

Isang benefit concert ang nakatakdang ganapin on August 30, 2017 at 8:00 p.m. sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila na pinamagatang Kaya Natin `To na tatampukan ng RWM homegown artists, Ultimate Show Concert Artists at iba pa tulad ng Aegis, Noel Cabangon, OJ Mariano, Sweet Plantsado and The Company, James Uy and Lawrence Mossman of PRIMO, Cris Pastor and Jasmin Fitzge­rald of Si­nging Sensation, Fred Lo at iba pa. Ang proceeds ng nasa­bing fund-raising show ay mapupunta sa mga anak ng mga naging biktima ng June 2, 2017 victims sa RWM.

Ang Kaya Natin `To benefit show ay mula sa concept, script at direction ni Freddie Santos. Makakasama rin dito si Maestro Rodel Colmenar at ang Manila Symphony Orchestra.

Samantala, on September 1, 2017 at 8 p.m. ay isa namang nata­ta­nging concert ng Aegis ang ma­tu­tunghayan sa Newport Per­for­ming Arts Theater ng Resorts World Manila na pinamagatang Aegis na Aegis: The Story of Us na nakatakdang idirek ni Lambert de Jesus na siya ring may konsepto at susulat ng script.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with