^

PSN Showbiz

Sweetness nina Gretchen at Atong ang ibinuko ng waiter

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
 Sweetness nina Gretchen  at Atong ang ibinuko ng waiter

Gretchen Barretto

Diamonds na suot nakakasilaw din daw

Patok ang mga post sa Instagram ni Nay Lolit Solis (akosilolitsolis).

As in bentang-benta dahil sa kung anu-anong kuwento niya. Hahaha.

Kahapon naloka na naman ang more than 14K followers niya sa k­uwento tungkol kay Gretchen Barretto na pinagpipiyestahan sa isang restaurant sa Greenhills.

Kuwento niya, pinag-uusapan si Gretchen dahil super sweet daw sila ni Atong Ang nang kumain sa nasabing restaurant na pinangalanan niya rin kamakailan lang.

“Usap-usapan ng mga waiters na kumain dun ng dinner si Gretchen Barretto at Atong Ang at nag-order ng peking duck at sweet na sweet, na si Atong ang gumagawa ng rolls para kay Gretchen. May mga kasama naman daw pero sobra raw ang sweetness nilang da­lawa. Naloka kami dahil nung una kay Claudine (Barretto) nali-link si Atong, ngayon sa sister niyang si Gretchen. At isa pang ikinaloka ko, iyong waiter hindi makapaniwala na may ganun kalaking diamonds. Sabi niya talaga, ang lalaki ng bato parang hindi tutoo ang suot ni Gretchen. Hah hah hah,” bahagi ng post ng talent manager na kolumnista rin dito sa PSN at PM (Pang-Masa).

Weeks pa lang ang nakakaraan nang maging controversial sina Grectchen at Atong dahil nga naaktuhan silang may escort sa paglabas ng airport.

Judy Ann nakapaghanda sa pag-babu ni Alfie Lorenzo

Mula sa look test para sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes dumiretso nung isang gabi sa ­huling gabi ng lamay ni Tito Alfie Lorenzo si Judy Ann Santos na nakakuwentuhan pagkatapos ng mass at eulogy para sa namayapang showbiz columnist at talent manager.

Banggit ni Juday na hindi na sila gaanong nagulat nang mamaalam si Tito Alfie dahil last week pala ay nagkaroon na ito ng atake. At alam niya lahat ang mga nangyayari sa manager dahil nga siya ang tinatawagan ng personal nurse ni Tito Alfie.

Kaya naman handa na ang loob niya sa nangyari sa manager lalo na nga’t ayaw nitong magpapa-doktor.

Si Juday ang namahala sa lahat-lahat ng funeral arrangements ng kanyang talent manager na na-cremate na rin nung isang gabi.

Anyway, hilig ni Tito Alfie ang magbasa ng dyaryo at ‘pag may nakita siyang mali kahit madaling araw magti-text siya. Hahaha.

Thanks for the memories Tito A. (sundan sa pahina 10)

Pelikula ni Sharon mas bagay sa PPP

Sana sa Pista ng Pelikulang Pi­li­pino (PPP) na lang isinali ni Sharon Cuneta ang comeback movie niyang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha. Baka mas naging maingay pa. Sure rin na mas maraming paglalabasang sinehan.

Isa ang pelikula ni Sharon sa kasali sa Cinemalaya na hindi masyadong pinag-uusapan at limited ang mga sinehan.

Kahapon ay nagkaroon ng kick off ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP). Ka-partner ng PPP ang Globe Telecom sa magaganap na kauna-unahang PPP na pinangungunahan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) headed by Ms. Liza Diño.

At base sa trailer ng 12 official entries ng PPP, ang gaganda ng pelikula.

Bukod sa trailer, pinakilala rin ang ilang kasama sa bawat pelikula.

Official na magbubukas sa mga sinehan ang PPP sa August 16 up to August 22.

Ang pagpasok ng Globe sa PPP ay para tumulong na labanan ang talamak na piracy sa bansa sa pamamagitan ng kampanya nilang #PlayItRight.

Iba-ibang genre ang kasama sa PPP kaya makakapamili ang mga manonood.

Ang 12 official entries ay ang mga sumunusunod: 100 Tula Para kay Stella, Ang Manananggal sa Unit 23B, AWOL, Bar Boys, Birdshot, Hamog, Paglipay, Patay na si Hesus, Pauwi Na, Salvage, Star na si Van Damme Stallone, at Triptiko.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with