Fan ni Vilma kanta ni Nora ang naalala

Nora Aunor

Pinaiyak na naman ni Mama Jessica Soho noong Linggo ang viewers ng kanyang top rating program, ang Kapuso Mo Jessica Soho dahil kay Evangeline, ang 54-year-old na avid fan ng Star for All Seasons, si Lipa City House Representative Vilma Santos-Recto.

Ang ma-meet nang personal si Mama Vi ang tanging birthday wish ni Evangeline na may Down Syndrome.

Nasorpresa si Evangeline at ang kanyang pamilya sa biglang pagdating ni Mama Vi na pinasaya nang husto ang kanyang tagahanga.

Tuwang-tuwa si Evangeline, lalo na ang kanyang kapatid na nagbiro na iuuwi na nila sa bahay ang Star for All Seasons.

Naloka lang ako nang pakantahin si Evangeline dahil ang Tiny Bubbles na isa sa mga signature ni Nora Aunor ang kinanta niya.

Inaabangan tuwing Linggo ang show ni Mama Jessica sa GMA 7 dahil magaganda ang mga kuwento na inilalahad niya.

Naging takbuhan na nga ang Kapuso Mo Jessica Soho ng mga kababayan natin na naghahanap sa kanilang mga mahal sa buhay na matagal nang nawawala. In all fairness, marami nang natulungan ang programa ni Mama Jessica kaya naman patuloy na pinagkakatiwalaan ang Kapuso Mo Jessica Soho.

Markang Bungo namatay na

Nakikiramay ako sa magkapatid na Michelle Ortega at Manila City Councilor Robert Ortega dahil sa pagpanaw ng kanilang ama noong Linggo.

Kanser ang ikinamatay ni Bobby Ortega aka Markang Bungo, ang police official na malaki ang kontribusyon kaya bumaba ang crime rate sa Baguio City nang maglingkod siya bilang hepe ng pulisya.

Ang husay at katapangan ng tatay nina Michelle at Robert ang dahilan kaya ginawa na pelikula ang life story niya noong dekada ’90.

Certified blockbuster ang mga Markang Bungo movie na pinagbidahan ni Rudy Fernandez noong 1991 at 1995.

Kasama si Robert sa cast ng Markang Bungo noon at umapir naman ang kanyang kapatid na si Michelle sa sequel noong 1995.

Sinasabing dyowa ng drug lord kinaboG ang koleksiyon ng Hermes ng mga sikat na artista

Ang husay ng GMA News staff dahil nakakuha sila ng kopya ng cellphone video na nagpapakita kay Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez na may kinuha sa bag niya at pilit na itinago sa kanyang kamay.

Nakipagbuno si Echavez sa dalawang policewoman pero nakuha rin sa kanya ang sachet na may laman na something white.

Pero iba ang pralala ni Echavez dahil planted daw ang mga droga na nasa pag-iingat niya nang magsagawa ng raid ang PNP sa kanilang tahanan noong Linggo nang madaling-araw.

Si Echavez ang girlfriend ng nakakulong na drug lord at recording artist na si Herbert Colangco.

Headline si Echavez ng mga balita dahil bukod sa paratang na may koneksyon siya sa illegal na droga, bongga ang koleksyon niya ng mga expensive bag.

Viral ang video ni Echavez at ng kanyang labing-isang Hermes bags na milyun-milyon ang halaga kung pagsasama-samahin ang mga presyo.

Natalbugan ni bise-mayor ang mga sikat na celebrity na limitado ang koleksyon ng Hermes bags dahil masyadong expensive.

Pahamak talaga ang social media dahil kung hindi nakunan ng picture ang mga bag ni Echavez, hindi malalaman ng madlang-bayan na mamahalin ang mga bag na ginagamit niya kaya triple ang mga panghuhusga laban sa kanya.

Show comments