^

PSN Showbiz

Phoebe Walker, gustong maging career pattern si Anne!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Phoebe Walker, gustong maging career pattern si Anne!

Phoebe Walker

Base pala sa true to life story ang pelikulang Double Barrel, ang launching movie nina AJ Muhlach and Phoebe Walker, na isang action film under Viva Films.

AJ Muhlach

Tsika ni Phoebe, matagal-tagal na ang nasabing story si Direk Toto Natividad sa mag-asawang naging hitman. Kaya feeling ng 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Supporting Actress na si Phoebe, para sa kanila talaga ni AJ ang movie.

Hindi nga lang sila nagkaroon ng chance ni AJ na makausap ang mag-asawang pinagbasehan ng kuwento. Tanging si Direk Toto Natividad lang ang nakausap nito.

Anne Curtis

Bukod sa umaatikabong action, may mga love scene din sila ni AJ na unang sabak sa action film.

Pero ayon kay Phoebe, hindi naman super dahil kailangan lang para ma-establish ang pagiging mag-asawa nila sa kuwento ng movie.

Bukod sa pelikula, hoping si Phoebe na magkakaroon siya ng regular TV show. Nakalabas-labas na naman daw siya sa ilang GMA shows pero praying siya na magkaroon siya ng regular exposure.

Ang Double Barrel ang follow-up movie niya after ng pinupuring Seklusyon kung saan nga siya nagwa­ging Best Supporting Actress. Tinalo niya ang mga nakalabang beterano.

May boyfriend na negosyante si Phoebe. Isa ito sa mga may-ari ng restaurant na ang isa sa partners ay ang sinasabing boyfriend ni Angel Locsin na si Neil Arce.

Pero wala pa naman siyang planong magpakasal.

Bukod sa TV gusto rin niyang magkaroon ng mga endorsement at si Anne Curtis ang type niyang ‘pattern’ sa magiging career kung sakali.

Anyway, showing na sa August 9 ang Double Barrel at hoping siya na tatangkilikin din siyang action star kahit aminadong kailangan pa niya ng training para maging expert sa pakikipagbakbakan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with