^

PSN Showbiz

Anak ni Ogie ibang music ang trip!

ABOUT SHOWBIZ - Nits Miralles - Pilipino Star Ngayon

Mamaya na ang launching ng NakakaLokal album ni Ogie Alcasid sa Ro­binsons Magnolia, 5 p.m., at iniimbita niya ang lahat lalo na ang mahilig sa OPM music na pumunta sa launching. New and old compositions ni Ogie ang nasa album at kakantahin sa launching kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

Na-LSS kami sa NakakaLokal na title track ng 10-track album. Pakinggan n’yo ring mabuti ang songs sa album dahil lahat ng vocal back-up, si Regine Velasquez ang gumawa at take note, libre ito.

Clueless si Ogie sa magiging reaction ng millennials sa album, pero nagustuhan ito ng anak na si Leila Alcasid. Umaasa si Ogie na positive ang feedback ng album niya sa millennials na way na rin niya to re-introduced his songs.

Nabanggit ni Ogie na gumagawa rin ng album sa Star Music ang anak na si Leila at ang producer ay si Marion Aunor. Chill lang daw ang music at viber track ang tawag sa music nito na ibang-iba sa music niya.

Dahil parehong nasa Star Music, posibleng magkasama sa album sina Ogie at Leila.

Ryza bumigay na SA paseksihan!

Blessed ang feeling ni Ryza Cenon sa magandang nangyayari sa career niya ngayon. Bukod sa number one ang daytime program na Ika-6 Na Utos, maganda ang review at feedback ng pelikula nila ni Martin del Rosario na Ang Manananggal Sa Unit 23B.

Kasama ang Ang Manananggal Sa Unit 23B sa 12 finalists ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na project ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at mapapanood nationwide simula August 16. Nakakasa na rin ang pelikulang gagawin ni Ryza sa Viva Films. Rom-com ang tema at excited na siya dahil iba sa mga ginagawa niya sa telebisyon at first time niyang magru-rom-com.

Revelation naman si Ryza sa Ang Manananggal Sa Unit 23B dahil first time niyang gumawa ng sexy scenes.

Nanghingi naman siya ng payo kay Cholo Barretto kung paano gagawin ang sexy scenes. Wala pang rating sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at hindi pa rin nare-review ng Ci­nema Evaluation Board (CEB) ang pelikula. Magre-re-edit sila sa copy ng movie na ipalalabas sa SM cinemas. May two versions ang movie in case magkaproblema sa MTRCB at nagdagdag sila ng one shooting day para hindi magahol sa oras.

Relasyon nina Janine at Rayver may kumukontra!

Balik sa pagpoprodyus ng TV show ang Quantum Films dahil sila ang producer ng weekly TV series na Sunshine In na mapapanood sa GMA 7. Wala pang in-announce na pilot airing dahil nagsimula palang ang taping, pero malapit na itong mapanood.

Bida sa Sunshine In sina Janine Gutierrez, Assunta de Rossi, at Cherie Gil. Kasama rin sina Martin del Rosario, Empress Schuck, Lauren Young, at Christian Vasquez.

Ang sabi, si Janine rin ang kakanta ng theme song ng series at sa States pa raw nito ire-record. Lilipad for the States si Janine sa August 15 at hanggang Aug. 20 siya roon. Sasamahan siya ng inang si Lotlot de Leon.

Speaking of Janine, nakita na naman sila ni Rayver Cruz sa birthday salubong ni Rayver at kinilig ang JanVer shippers. Pero may ilan din palang ayaw sa pairing ng dalawa.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with