Misis ng actor tiklop sa talakerang nurse!
Nakakaaliw ang kuwentong ito na naganap sa isang sikat at napakalaking ospital. Kinailangang isugod du’n ang isang pamosong aktor habang nagtatrabaho dahil nakaramdam ito ng kahirapan sa paghinga.
Natural, kailangang ipaabot ng production ang senaryo sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang misis, para malaman ng mga doktor ang kanyang medical history, sumugod naman agad sa ospital ang wife ng aktor.
Dahil kilalang personalidad nga ang nasa ER ay kumalat agad ang kuwento sa buong ospital. Wala namang nakikipag-selfie sa aktor na pasyente, tama na ang patingin-tingin lang, basta masilip lang ang guwapong aktor ay sapat na sa mga miron.
Kuwento ng aming source, “So, dumating na ang wife ni ____(pangalan ng male personality), parang eksena sa isang serye ang ginawa niya. Pasugod siyang yumakap sa husband niya na parang iiyak siya pero wala naman siyang luha.
“Bigla niyang napansin ang isang nurse na nandu’n. Fully made-up ang nurse, naka-lipstick siya, kaya nag-voice-over agad si misis! Nagmaldita siya, promise!
“Ang sabi niya, ‘Talagang kailangang naka-make-up at red pa ang lipstick, kasi nga, si ____(name ng mister niya) ang pasyente?!’
“Natural, sumagot ang nurse, pero sa suwabeng boses. Edukada ang nurse, kaya ang sabi niya, ‘In this hospital, we are trained to look presentable when we attend to our patients.’
“Walang nagawa si misis, tumalikod na lang siya, sabay labas, dahil English ang isinagot sa kanya ng nurse na pinaringgan niya at pinagmalditahan! Parang updated ang mga nurses sa hospital na ‘yun, di ba?
“Ang kuwento kasi, kapag nagmamaldita ang babaeng ‘yun, e, isa lang ang kailangang gawin ng tinitirya niya! Inglisin mo siya nang walang humpay at mamumutla na siya at titigil sa pagtataray niya!
“Di ba, ganu’n ang ginawa sa kanya ng isang famous female personality nu’ng komprontahin niya? Bakit daw nakikipag-close ang girl sa husband niya?
“Siyempre, esekola ang nakatapat niya, very fluent in English schooled ang girl! Nilitanyahan siya in English, very straight, ha, ng girl! Ano ang naisagot niya? Waley!
“Tantanan na kasi ang pagiging selosa! Ano pa ba naman ang ikai-insecure niya, e, mag-asawa na sila? Saka maganda naman siya, di ba? ‘Yun nga lang, may kakapusan siya, alam na alam niya kung ano ‘yung kulang sa kanya!” todo ang paghalakhak ng aming source sa kanyang pagtatapos.
Ubos!
Jojo Mendrez patok na pantanggal stress
Mystery singer ang dating sa amin ni Jojo Mendrez, ang nag-revive ng piyesang Magkabilang Mundo, na araw-araw naming pinatutugtog sa Cristy Ferminute (Radyo Singko, Aksyon TV-41, 4-6pm) dahil sa request ng aming mga tagapakinig-tagapanood.
Ang nakasanayan na kasi namin ay naggi-guest nang live ang singer sa aming programa, mahalaga ang promotion, kaya kailangang ang singer ang nang-iimbita sa ating mga kababayan para tangkilikin ang kanyang kanta.
Pero isang buwan na naming tinutugtog ang Magkabilang Mundo ay hindi pa namin nakikilala nang personal si Jojo Mendrez, saka na raw, sabi ng kanyang manager-confidante na si Jemuel Cainglit Salterio.
Minsan nang na-feature si Jojo Mendrez sa Rated K ni Korina Sanchez. Rags to riches ang tema ng panayam dahil naging milyonaryo si Jojo Mendrez na nakalinya sa buy and sell nu’ng una hanggang sa makilala na siyang de-primerang real estate broker.
Lumaki nang lumaki ang kanyang negosyo, may sarili na siyang kumpanya ngayon, pero sa kabila ng kanyang tagumpay bilang businessman ay mahal na mahal niya ang pagkanta. Basta, gusto lang niyang kumanta, kaya nagtayo sila ni Jemuel Salterio ng sariling recording company.
Paborito ng aming mga pintor ang Magkabilang Mundo ni Jojo Mendrez na ginagawa nilang inspirasyon sa paggawa nila ng obra. Napakasuwerte raw kasi ng atake ng singer, nakatatanggal ng stress, kaya hindi nakapagtatakang naging MRS (Most Requested Song) din ang piyesa ni Jojo Mendrez sa marami pang ibang FM stations.
Inaabangan namin ang pagkakataong maging panauhin namin siya sa CFM para magkaroon na ng mukha ang malamyos na boses na naririnig namin.
Kailangang makilala rin siya ng mga kababayan nating sumusuporta sa Magkabilang Mundo na paulit-ulit nang naririnig ngayon sa maraming istasyon dahil sa hiling ng mga tagapakinig.
- Latest