MVP parang ordinaryong tao!

MVP
Now I now kung bakit successful at mayaman si MVP o Manny V. Pangilinan. Alam n’yo ba na totoo iyong sinasabi nila na personal ang pakikitungo niya sa lahat ng tao. Binahagi ko na ito sa aking 10,000 followers sa Instagram (akosilolitsolis) na batiin mo siya, he will greet you back. Naka-smile si Papa Manny sa lahat ‘pag naglalakad siya at ‘pag kausap mo siya para lang siyang ordinaryong tao.
Iyon yata ang ugali ng tunay na successful person, comfortable at may koneksiyon sa tao.
Hindi mo katatakutan lapitan, batiin o kausapin. At isa pang naloloka ako, sumasagot siya sa text. Bongga, may panahon siya para sumagot, kaloka.
Happy Birthday Boss MVP. Forever fan po ako.
EB kinilala ang kabayanihan ng mga sundalo!
Type ko ang ginawa ng Eat Bulaga dahil inimbitahan nila kahapon sa studio nila ang mga sundalo na lumaban sa giyera sa Marawi City.
May mga sundalo na pinagagaling pa lamang ang mga sugat na resulta ng pakikipaglaban nila sa mga terorista sa Marawi City pero binigyan ng Eat Bulaga ng pagpapahalaga ang mga kabayanihan na kanilang ipinakita na pagmamahal sa bayan natin.
At dahil special guests sila ng Eat Bulaga, pinakain din ng lunch ang mga magigiting na sundalo na happiness na ang makita nang personal ang mga host ng Eat Bulaga.
Naglaro naman kahapon sa Jackpot En Poy ng Eat Bulaga sina Papa Mike Enriquez, Vicky Morales, Kara David at ang inaanak ko sa kasal na si Aubrey Carampel.
Kinabahan yata si Papa Mike na mahusay na newscaster pero tinalo ni Vicky sa Jackpot En Poy.
Ang kaso, si Kara ang winner sa final round kaya siya ang naglaro sa jackpot round.
Isa si Vicky sa mga broadcast journalist na mataas ang integridad at kredibilidad kaya hindi matinag-tinag sa ratings ang kanyang afternoon Saturday show sa GMA 7, ang Wish Ko Lang.
Iilan ang nakakaalam na mag-bestfriend sina Papa Mike Enriquez at Papa Joey de Leon.
Travel buddies ang dalawa at ka-join nila ang kanilang mga misis sa paglilibot sa buong mundo.
Nora, Christian, Ma. Isabel, at Rhian marunong magpahalaga
Mapapanood ngayong gabi sa Sunday’s Best ng ABS-CBN ang 1st Eddys, ang award-giving body ng Society of Philippine Entertainment Editors, Inc. (SPEEd).
Hindi kawalan ang hindi pagdalo ng ibang mga nominado at winners dahil mas tumatak sa isip ng mga nanood sa Kia Theatre noong July 9 ang mga production number na inihanda ng Viva Live, ang producer ng The Eddys.
May mga suggestion na hingan na lang ng videotaped thank you message ang winners pero marami ang nagsasabi na hindi na kailangan. Bakit pa raw bibigyan ng importansya ang mga nanalo eh hindi nga nila binigyan ng respeto at pagpapahalaga ang kanilang mga nominasyon?
Siyempre, hindi kasama si Congresswoman Vilma Santos-Recto sa mga hindi nagbigay ng importance sa SPEEd at The Eddys dahil may valid reason siya, matagal nang naka-schedule ang kanyang out-of-the-country trip. May representative rin siya, ang kanyang anak na si Luis Manzano na host ng The Eddys at tumanggap ng acting trophy ng nanay niya.
Mga nominado pero hindi nanalo sina Nora Aunor, Christian Bables, Ma. Isabel Lopez, Moira Lang at Rhian Ramos. Na-appreciate nang husto ng SPEEd ang attendance ng apat na stars dahil sa suporta na ibinigay nila sa The Eddys.
- Latest