Wow dagsa ang fans sa ginanap na The Eddys Entertainment Editors’ Awards na pumuno sa Kia Theater last Sunday night.
Full force ang JaDine fans, ang fans nina Elmo Magalona and Janella Salvador, Kisses Delavin and Marco Gallo, Julian Trono and Ella Cruz, Edward Barber and Maymay Entrata at maging ang fans nina Richard Gutierrez and Sarah Lahbati.
May mga dala pa silang banner pero may particular size lang na puwedeng ipasok sa Kia Theater kaya ang iba’y ipinaiwan sa labas.
Pero grabe ang tilian nila talaga. At ang nakakatuwa, hindi nagpatalo ang Noranians at Vilmanians na sumugod din sa venue ng awards night. Tili rin sila nang tili.
At ang isa pang nakakatuwa sa ibang fans, nag-effort silang mag-formal. Hindi sila basta lang naka T-shirt o tsinelas. Mga nakabihis. Parang bumalik ang dating panahon na nagbibihis ang fans para mag-attend ng awards night.
Anyway, bukod sa mga nabanggit, naging presenters din sina Bela Padilla and JC Santos na pelikulang 100 Tula Para kay Stella na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino, AJ Muhlach, Phoebe Walker and Ali Khatibi, na mga bida sa pelikulang Double Barrell.
Sina Martin Nievera, Ogie Alcasid with Morisette Amon and Klarisse ang kumanta para sa tribute sa composer na si Willy Cruz.
Dumalo rin sa nasabing event ang FDCP Chairman Ms. Liza Dino at si National Youth Commission Chair Aiza Seguerra, Boots Anson Roa of Actors Guild at marami pang iba. “Congratulations Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) for a successful Awards Night. Amazing list of nominees and very beautiful production! More power and kudos for bringing back glitter and glamour in awards ceremonies!,” ang mensahe ni Ms. Diño matapos ang awards night na produced ng Viva Live and ABS-CBN.
PPP may discount sa mga estudyante
May student rates ang magaganap na Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) simula August 16 na tatagal hanggang August 22.
Nationwide ang sakop ng announcement ng FDCP para sa mga estudyante.
Magiging one hundred fifty pesos (P150) for students in Metro Manila, and one hundred pesos (P100) for students in provinces outside Metro Manila ang rate ng 12 na pelikulang kasali.
“We are very happy with the support of the cinemas in making our Filipino films for PPP much more accessible to the public, especially to the youth,” said Ms. Liza Diño. “Each film in Pista offers a different perspective on the different aspects of life and communicates these messages artfully and creatively through film. We believe that students and our youth would greatly benefit from watching these movies which are more than entertaining, but to an extent educational,” she added.
In addition to the student rates, cinemas nationwide will be offering a 4+1 promo – buy four tickets and get one for free.
Ang PPP ay partnership between FDCP and all cinema chains in the Philippines. Tune in for more news on PPP by liking the official page or emailing chairliza@fdcp.ph.