PIK: Tuwang-tuwa ang Bacoor Mayor Lani Mercado sa napaka-successful na anibersaryo ng cityhood ng Bacoor na nagtapos kamakalawa lang.
Proud na proud siya sa Bacoor Cultural Group at ang ipinagmamalaki nilang Marching Band na nag-perform sa kanilang programa na ginanap sa Strike Gymnasium nung kamakalawa ng gabi.
Sa aming pakikipagtsikahan kay Mayor Lani sa naturang event, nabanggit niyang gusto na rin sana niyang bumalik sa pag-arte pero sa ngayon ay mahirap daw maisingit sa schedule niya dahil naka-focus talaga siya sa pamamalakad niya sa lungsod ng Bacoor. “Siguro nga may ibang offers kay Nay Lolit, hindi na lang niya pinaparating sa amin kasi alam niyang wala na akong oras sa trabaho ko dito,” pahayag ni Mayor Lani.
Kapag medyo okay na raw ang mga inaasikaso niya sa Bacoor baka maisisingit na raw niya ang pag-aartista kahit guesting lang paminsan-minsan.
PAK: Napapag-usapan ng ilang nakakakilala nang husto kay Maine Mendoza na mukhang wala raw itong balak talaga na magtagal sa showbiz.
Mas naka-focus daw ngayon ang Eat Bulaga sensation sa ilang negosyong sinimulan niya. Kung may Concha’s si Alden Richards sa Tagaytay at sa Quezon City, kumuha na rin daw si Maine ng isang franchise ng McDonalds na inilagay niya sa Bulacan.
May malaking building daw siya roon sa Sta. Maria, Bulacan na kung saan doon niya ipinalagay ang malaking McDo malapit lang daw sa gas station ng kanyang pamilya.
BOOM: Ang Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang isa sa masaya sa pagbabalik-eskuwela ni Jodi Sta. Maria.
Sabi niya; “Isa ako sa pinakamasayang tao dahil makakamtan na rin ang pangarap niya na maging isang doktor, dahil siya ngayon ay nagsa-Psychology eh. So, I’m very happy for her.”
Gusto lang daw patunayan ni Jodi na kahit abala ka sa trabaho, pero kung gusto mong makamit ang matagal mo nang inaambisyon, makakamtan mo ito.
Pero pagdating sa relasyon nilang dalawa, ngiti lang ang sagot ng actor/politician. “All I can say is, kung ano mang meron kami ngayon, masaya po kami,” matipid niyang sagot sa amin.