Ryza nilayasan ang Kapuso

Suot ng mga waiter sa hotel, ka-level daw ng pang-Ball ni Alden!

SEEN: Kahit pumirma siya kahapon ng kontrata sa Viva Artists Agency, gusto pa rin ni Ryza Cenon na manatili bilang Kapuso star dahil mahal na mahal niya ang GMA 7.

SCENE: Ang pag-amin ni Ryza Cenon na nadadala nito sa bahay ang kontrabida character niya sa Ika-Anim na Utos. Tanggap din niya ang galit sa kanya ng televiewers.

SEEN: Five years na management contract at sampung pelikula sa Viva Films ang kontrata na pinirmahan ni Ryza Cenon. Dream leading man niya si John Lloyd Cruz.

SCENE: Nauna nang lumipat sa Viva Artists Agency si Louise delos Reyes bago nag-transfer si Ryza Cenon. Parehong mga ex-talent sina Louise at Ryza ng GMA Artist Center.

SEEN: Ipinagdiriwang ngayon ni Jodi Sta. Maria ang 35th birthday niya. Sina Robin Padilla at Richard Yap ang leading men ni Jodi sa next television assignment niya sa ABS-CBN.

SCENE: Pareho ang design ng uniform ng mga waiter ng Manila Hotel at ng polo shirt na ginamit ni Alden Richards sa Millennial Ball noong June 12.

Show comments