^

PSN Showbiz

Rayver tinutulak kay Janine!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Rayver tinutulak kay Janine!

Rayver Cruz

Kung nanaisin ng Kapamilya singer-actor na si Rayver Cruz na ligawan ngayon ang Kapuso star na si Janine Gutierrez, hindi ito mahihirapang kunin ang approval ng ina ni Janine na si Lotlot de Leon dahil dati nang close si Rayver sa mommy ng dalaga.  Kaibigan din ng nakatatandang kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz si Janine lalupa’t magkasama ang dalawa sa tumatakbong serye ng GMA, ang Legally Blind.

Kung si Rodjun ang tatanungin, botong-boto rin ito kay Janine para sa kanyang nakababatang kapatid na si Rayver.

Ayon na rin mismo kay Rodjun, matagal na umano niyang hindi nakikita ang mga kakaibang ngiti kay Rayver magmula nang mag-break sila ni Cristine Reyes na may asawa’t anak na ngayon.

Nagkakasama sina Janine at Rayver sa mga lakaran lately pero hindi silang dalawa lamang kundi kasama umano ang iba pa nilang common friends.

Although wala pa sa level ng boyfriend-girlfriend sina Rayver at Janine, umaasa ang mga taong malalapit sa kanila na sana’y mauwi ito sa totohanan dahil may kilig factor sa dalawa kapag sila’y magkasama o natatanong indivi­dually tungkol sa isa’t isa.

Mag-iisang taon na ring hiwalay si Janine sa ex-boyfriend nitong si Elmo Magalona na nali-link naman ngayon sa kapwa niya Kapamilya at ka-loveteam na si Janella Salvador.

Francine mas maaga pa  sa staff

Puring-puri ang dating sexy star na si Francine Prieto ng kanyang mga nakakatrabaho sa showbiz dahil sa pagiging professional nito. Isang oras bago ang call time ay dumara­ting si Francine na siya rin mismo ang nagmamaneho ng kan­yang sasak­yan.

Most of the time ay nauunahan pa umano ni Francine ang production staff sa set kaya madalas itong naghihintay.

Sanay na rin umano si Francine na maghintay sa iba pa niyang mga katrabaho  kaya ang ginagawa niya ay natutulog na muna siya sa kanyang sasakyan.

Samantala, desidido si Franchine to shed unwanted pounds sa kanyang katawan pero alam niya that it would take time.

Dating actress na si Rebecca Rocha gustong buhayin ang career

Kasalukuyang nasa bansa ang balikbayang actress na si Rebecca Rocha na matagal namirmihan sa Amerika.

Si Rebecca ay ex-wife ni Alex Muhlach at ina nina Niño at Allan Muhlach at lola naman ng dalawang anak ni Nino na sina Alessandro at Alonzo.

Nasa bakuran noong dekada `60 si Rebecca at nakagawa siya ng ilang pelikula tulad ng Ang La­ngit ay Para sa Lahat nung 1967, Johnny or Die at Hell: The Lucky 9 Commandos both in 1968.

Nang magkahiwalay ang mag-asa­wang Alex at Rebecca ay nangi­bang bansa ang huli at sa Amerika na na­mir­­mihan kasama ang nakababatang ka­patid ni Niño na si Allan na mas naunang mag-balikbayan.

“There’s no place like home,” paha­yag niya nang ito’y aming maging pana­uhin sa Inside Showbiz program sa DZRJ on 8 TriMedia last Sunday afternoon.  Ito bale ang first guesting ni Rebecca magmula nang siya’y dumating ng Pilipinas.

Natutuwa si Rebecca sa kanyang apong si Alonzo na manang-mana umano sa pagkabibo sa amang si Niño (Muhlach).

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->