Cesar, Phillip, at Robin nagpaiwan sa Russia!

SEEN: Ang panoorin ang ‘Destiny’ to be Yours ang imbitasyon kahapon ni Nova Villa sa televiewers ng Eat Bulaga. Nagkamali si Nova dahil Destined to be Yours ang title ng teleserye nila nina Alden Richards at Maine Mendoza.

SCENE: Ang pahiwatig ng Eat Bulaga na magbabalik ang kalyeserye nina Alden Richards at Maine Mendoza matapos ng pagwawakas ngayong gabi ang Destined to be Yours.

SEEN: May panawagan ang supporters ni President Rodrigo Duterte na i-boycott ang mga pelikula ng direktor na si Erik Matti dahil sa pagmumura nito sa mga bumoto sa pangulo.

SCENE: May mall show sa SM City Lucena sa Linggo, May 28, ang cast ng Mulawin vs. Ravena at pangungunahan ito nina Dennis Trillo, Derrick Monasterio, Miguel Tanfelix, at Bianca Umali.

SEEN: Sina Miss World 2013 Megan Young, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at Miss International 2016 Kylie Verzosa ang mga invited guest sa 119th Philippine Independence Day celebration sa New York sa June 4, 2017.

SCENE: Sa June 14 ang playdate ng Can We Still Be Friends?, ang Star Cinema movie na second team up nina Arci Muñoz at Gerald Anderson.

SEEN: Naiwan sa Moscow, Russia ang mga kasama ni President Rodrigo Duterte na nauna nang bumalik sa Pilipinas dahil sa kaguluhan sa Mindanao. Kasama ni Duterte sa Russia sina Cesar Montano, Phillip Salvador, at Robin Padilla.

SCENE: Sa June 28 ang tentative playdate ng Dear Future Husband, ang romance drama comedy movie nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Co-production venture ng Star Cinema at Viva Films ang Dear Future Husband na na-delay ang shooting.

Show comments