Ang ganda ng conversation nina Dennis Trillo at Jennyln Mercado sa Instagram account ng aktres. Nag-promote si Jennylyn ng pilot ng Mulawin vs. Ravena at nag-comment ng “ang gwapo ni Gabriel (karakter ni Dennis sa MVR)!” Sumagot naman si Dennis ng “I love you steffi (karakter ni Jennylyn sa My Love From the Star).”
Kinilig ang DenJen fans sa sagutan ng dalawa at wish nilang gabi-gabi ay may mabasa silang pakilig.
Anyway, positive ang feedback sa pilot ng sequel ng Mulawin vs. Ravena at nagustuhan ng viewers ang lahat ng aspeto ng fantaserye. Umaasa silang mami-maintain ang ganda nito hanggang sa ending. Pinuri rin ang acting ng mga karakter na unang lumabas lalo na sina Dennis at Heart Evangelista na marami ang ginulat dahil kayang-kaya raw pala nito ang role ni Alwina.
Nag-trending din worldwide at nationwide ang hash tag na #Mulawinvs.Ravena at ang mga karakter nina Dennis, Derrick Monasterio, Bea Binene, Miguel Tanfelix, at Heart Evangelista. Nakakaintriga lang ang SPG rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Dahil kaya ito sa rape scene ni Gabriel kay Alwina?
Ruru gagawing action star!
Parang totoo ang nabalitaan naming ibi-build up ng GMA-7 si Ruru Madrid na action star at ipapasok sa Book 2 ng Alyas Robin Hood dahil hindi na siya isinama sa Haplos na drama ang tema.
Nang una naming mabalitaan ang Haplos, si Ruru ang una naming narinig na makakapareha ni Sanya Lopez. Sila ang tinukoy na galing sa Encantadia na magbibida sa Afternoon Prime, pero ang latest ay kay Rocco Nacino na uli itatambal si Sanya na ikinatuwa ng kanilang fans.
Nagkaroon na ng storycon ang Haplos na kung hindi kami nagkakamali, ito na talaga ang papalit sa Ika-6 Na Utos.
BMP ibinagay sa kampanya ng gobyerno
Pinakagusto namin sa mga ipinalabas ng episode ng Brillante Medoza Presents (BMP) ang Panata episode na airing sa May 27, 10:30 p.m., sa TV5. Siguro dahil sa tema nitong kampanya ng gobyerno at military sa communist rebels at Martial Law pa ang setting.
Sa isang interview, nabanggit ni director Brillante na ang nasabing episode ang pinaka-challenging na kanyang ginawa, lalo’t sa Marinduque kinunan at isinabay sa Moriones Festival. Binubuo ang cast nito nina Sue Prado, Felix Roco, Kristoffer King, Lou Veloso, at Arnold Reyes. Pati ang theater actors na gumanap na young Felix at Kristoffer ay mahusay din.
Anak ni Sunshine umeeksena na rin
Totoo ba ang narinig namin na may cameo sa hit daytime drama na Ika-6 na Utos ng GMA 7 si Doreen, anak ni Sunshine Dizon? May eksena raw ang bagets with Gabby Concepcion at okay ang kinalabasan ng eksena. May susunod na kay Sunshine na mag-aartista?