Liza naging emosyonal sa puntod ng ama ni Enrique

Liza Soberano

Noong Biyernes ay naging emosyonal ang Intagram post ni Liza Soberano. Makikita sa larawan ang isang lalaking nakatalikod na nasa kolumbaryo. Sinamahan pala noon ni Liza si Enrique Gil sa puntod ng ama ng aktor.

Matatandaang namatay ang ama ni Enrique noong 2008 dahil sa cancer. “Kasi ‘yung birthday ng daddy niya May 17, ‘yung day na iyon ‘yung mom niya ginigising siya pero hindi makabangon si Quen (palayaw ni Enrique) dahil medyo masama ‘yung pakiramdam niya. So ‘yung mom niya pumunta mag-isa. Usually ‘yung mom niya may kasamang kapatid niya, si Andie. So the next day nag-text si Quen, ‘Pwede mo ba akong samahan pumunta sa papa ko?’ Kasi sabi niya, ‘I feel bad I wasn’t able to go,’ So sinamahan ko po siya,” nakangiting kwento ni Liza.

Nasaksihan ng aktres ang pakikipag-usap ni Enrique sa puntod ng ama kaya talagang na-touch daw si Liza. “Medyo naging sad ako kasi kinausap niya ‘yung papa niya na as if his papa was just there. Parang na-realize ko kung gaano kabilis ang buhay and how we should appreciate things in life. Siyempre ako I have a dad and I fight with him a lot. Siyempre normal lang naman ‘yun pero ngayon, na-realize ko swerte pa ako kasi may papa ako and si Quen, wala na siyang papa,” paliwanag ni Liza.

Marlo aminadong tumamlay ang career nang iwan ni Janella

Walang ginagawang teleserye ngayon si Marlo Mortel kaya hinahanap-hanap na raw ng aktor ang paggawa nito. Regular na napapanood si Marlo bilang co-host sa Umagang Kay Ganda. “Nami-miss ko na nga eh. For quite some time enjoy naman ako sa UKG. Saka stable ako do’n eh, hindi ako nawawala everyday. Siguro kung career-wise, okay na ako na may UKG, then kailangan kong magbalik sa pag-arte. So naghihintay lang ako ng tamang break,” bungad ni Marlo.

Dalawang taon na ang nakalilipas nang huling mapanood sa seryeng Oh My G! ang binata kaya nananabik nang magbalik sa isang soap opera si Marlo.

Para sa aktor ay tumamlay ang kanyang career nang mabuwag ang tambalan nila ni Janella Salvador. “Happy rin ako kay Janella kasi okay naman sila (ni Elmo Magalona). Pero siguro it’s time to step up. Actually, hindi ko naman kasi makokontrol kasi management decision ‘yon eh. Kumbaga wala talaga akong kontrol at all kahit anong gusto kong mangyari. Gusto ko rin siyempreng mag-stay kung anong meron ako dati pero ang inilaban ko na lang talaga is may talent ako. Kumbaga, kahit paano, hindi ako nawawalan. Dahil sa UKG naging stable naman ‘yung financial, hindi ako nawawalan ng raket kasi nakikita ako sa TV, iba nga lang ‘yung market ko,” paliwanag ni Marlo.

“And sa singing naman, hindi rin ako nawawalan ng raket dahil may Harana (male group) and lagi akong may mall show dahil marunong akong kumanta. So kumbaga, nagawa ko na ‘yung part ko eh,” dagdag pa niya.

Show comments