Mocha bagong Asst. Secretary ng PCOO!

‘Dyowa’ ni Paolo, dancer/choreographer sa bar na tambayan ng mga beki; baron naghanap na ng pagkakakitaan

Seen: Fluent na si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa Visayan dialect. One hundred thousand pesos ang ibinigay ni Richard sa matandang babae na  kauna-unahan na Centenarian sa Ormoc City, sa bisa ng Centenarian Act na nilagdaan ni President Rodrigo Duterte.

Scene: Ang surprise 20th birthday celebration ni Maymay Entrata sa isang hotel sa Pasay City noong Lunes. Dapat patunayan ni Maymay na mali ang hula na hindi magtatagal ang kanyang showbiz career dahil OA siya.

Seen: Ang mga cryptic Facebook post ni Sharon Cuneta na nagpapahiwatig na may mga pinagdaraanan siya. Kung ayaw ni Sharon na masangkot sa mga kontrobersya, ihinto niya ang mga makahulugan na FB post.

Scene: Dapat maging discreet at pahalagahan ni Sharon Cuneta ang privacy, kung gusto niya na maging tahimik ang kanyang buhay. Tama na ang isang Kris Aquino sa showbiz.

Seen: Nararamdaman na ni Baron Geisler ang hirap ng walang source of income. Matagal nang walang pelikula at mga TV guesting si Baron dahil ito ang resulta ng pag-ihi niya kay Ping Medina sa shooting ng indie movie nila.

Scene: Assistant Secretary sa opisina ng Presidential Communications Operations Office ang bagong appointment kay Mocha Uson ng Malacañang Palace.

Seen: Ang Palarong Pambansa 2017 swimming champion na si Drew Magbag aka Drew Alvarez ang gumanap na anak ni AiAi delas Alas sa Our Mighty Yaya.

 Miyembro si Drew ng Regal Millennial Babies.

Scene: Huwag ipangalandakan ang  same-sex relationship ang payo kay Paolo Ballesteros ng mga supporter niya dahil baka makaapekto ito sa kanyang flourishing showbiz career.

Seen: Hindi totoo na member ng G-Force Dancers ang inspirasyon ni Paolo Ballesteros sa kasalukuyan dahil nagtatrabaho siya bilang dancer at choreographer sa isang bar na tambayan ng mga gay.

Show comments