Charice nakikitira lang daw talaga sa fan!

MANILA, Philippines - Bakit ganun, ayon sa isang source talaga raw nakikitira ngayon si Charice sa isa niyang fan matapos silang maghiwalay ng partner niyang si Alyssa Quijano.

Ang sabi ng isang nakakilala sa kanya, nabenta na raw diumano ng singer ang mga naipundar nitong ari-arian noong kainitan ng kanyang career.

Maging ang nanay diumano ni Charice ay nakikitira na lang din kasi nga raw ay naibenta na rin nito ang bahay nila noon ayon sa isang dating kapitbahay nila. Ito ang rason kaya walang planong pumisan si Charice sa ina.

Ang kailangan daw talaga ngayon ni Charice ay trabaho para naman muli siyang makaipon.

Anyway, bukas ang pahinang ito kung meron anumang pahayag si Charice at ang kanyang inang si Ms. Raquel Pempengco.

Richard itatambal kina Angel at Angelica

Wow, balik-tambalan sina Angel Locsin and Richard Gutierrez. This time kasama nila si Angelica Panganiban sa isang pelikulang ipo-produce ng Star Cinema.

Kahapon ay nagkaroon na sila ng story conference pero wala pang binigay na information ang isang insider ng Star Cinema kung ano’ng title o concept at kung isasali ito sa idaraos na taunang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ten years na pala ang last movie nina Angel at Richard sa GMA Films, ang Let the Love Begin. Kapwa Kapuso artists pa sila noon.

Sina Angel at Angelica naman ay nagkasama na sa pelikula ng Star Cinema, with Dingdong Dantes, ang One More Try.

Matagal-tagal na ring pahinga ang career ni Richard at si Angel at nag-back out sa papel na Darna. Si Angelica ay huling napanood sa pelikulang The Unmarried Wife last year.

Show comments