Lani nag-sorry sa pagpatay kay Imelda Marcos

PIK: Kasabay ng Mighty Yaya, bukas na rin ang showing ng Bliss ni Iza Calzado na naging kontrobersyal dahil sa pag-X ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at nabigyan din ng R-18 sa se­cond review.

Sayang at hindi ito mapapanood sa SM Cinemas dahil hindi nga sila nag-a-allow na mag-showing ng R-18. Kaya sa ibang sinehan gaya ng Ayala Mall cinemas, Robinsons, at ilang independent theaters lang ito mapapanood.

Inaasahang susuportahan ito ng millennials dahil ito naman talaga ang crowd niya na nagdagsaan sa special screening ng pelikula sa UP Theater.

Ang napapansin lang ng karamihan, si Iza Calzado lang ang todong nagpu-promote ng Bliss. Kahit papano, dinadaluhan din naman ni TJ Trinidad ang ilang special screening, pero si Ian Veneracion pala ay minsan lang nakadalo at hindi pa raw nagtagal sa after party para makatsikahan sana ng ilang miyembro ng press.

Malaking bagay sana ang suporta ni Ian dahil panahon naman niya ngayon.

Masaya naman siguro si Ian sa positive reviews ng pelikula.

PAK: Pinalagpas na ni Alma Concepcion ang atraso sa kanya ng baklang nag-post sa Facebook na nagpalitrato sa kanya at ipinalalabas na close sila. Pero sa captio n ng post inungkat pa ng bading ang matagal nang isyu ni Alma sa Guam.

Nag-PM ang lawyer ni Alma sa bading na tanggalin ang malisyong post dahil posible siyang makasuhan ng Libel.

Natakot yata ‘yung bading, kaya kaagad niyang tinanggal at nag-sorry siya kay Alma. Tinanggap naman daw ng aktres ang apology ng bading kaya wala na raw siyang balak magdemanda.

“Ang concern ko lang kasi, ma­laki na ang anak ko. Ayokong makakabasa pa siya ng ganung isyu, na maungkat pa ‘iyun. Matagal na ‘yun sobra, kaya ayoko na sanang buhayin pa ‘yun, tapos magtatanong pa ang anak ko,” seryosong pahayag ni Alma.

BOOM: As of presstime, wala pang ibinigay na pahayag sa amin ang kampo ng Bacoor Mayor Lani Mercado kaugnay na lumabas sa Twitter account niyang nakiramay sa pagpanaw daw ng dating First Lady Imelda Marcos.

Itinanggi ng pamilya ni Cong. Imelda Marcos ang kumalat na balita dahil sa tweet ni Mayor Lani.

Nakausap namin ang Bacoor mayor kahapon at nagtataka rin siya kung paano ito lumabas sa kanyang Twitter account. Hindi naman daw siya nag-post nun, lalo na’t kung hindi naman ito totoo.

Nag-post na rin ang Cavite Vice-Governor Jolo Revilla na na-hack ang Twitter account ng kanyang ina.

Pinaiimbestigahan pa raw nila kung paano nangyari ito. Pero humingi na rin ng apology si Mayor Lani sa pamilya ni Madam Imelda, dahil sa ginawa ng hacker sa kanyang account.

Show comments