Janella nilait ng editor!

Nakita namin si Manny Valera, ang manager ni Janella Salvador at wala itong reaction sa pagra-rant ng Metro Magazine editor sa diumano’y unpleasant experience niya para lang ma-appease si Janella Salvador sa 12-cover issue ng magasin. Nang unang mag-post sa Facebook, sabi ni Eldzs Mejia, “THAT GIRL WAS SOMETHING” at may hashtag na #NeverAgain.

Walang balak magreklamo si Manny, lalo na ang awayin ang editor. Publicity pa rin daw ‘yun at ang concern lang nito ay kung tama ang spelling ng name ni Janella at kung may apelyido.

Ang latest, nag-apologize na ang editor sa pagra-rant niya sa Twitter at FB, nadala lang daw siya at naging emotional. “We are in contact with Jae, her team and the management. We are actually all okay. That’s why we decided to delete the covers.”

Nag-reach out na rin daw siya kay Janella at nag-apologize sa kanyang insensitive comments. Giit ng isang fan ni Janella, nasira na ang aktres sa post ni Eldzs, pero kung ang manager nito hindi nagalit, mag-move on na rin sana ang fans.

MTB may mga bagong lalaki

Sa apat na members ng GAYA Boys na bagong cast ng Meant To Be, ang Fil-Am na si Matthias Rhoads ang limitado ang pagta-Tagalog. Ang alam pa lang niyang Tagalog words ay “antok” at “pagod.” Dinagdagan namin ang vocabulary niya ng “waley” na natuwa siyang bigkasin.

Pumirma ng one-year exclusive contract sa GMA-7 si Matthias na nakilala sa TVC ng Jollibee as the groom sa Vow episode. Naggi-guest na siya sa ibang shows ng network at ang MTB ang first series niya. Thankful ito that his lines are in English and Taglish, pero kailangan daw niyang kumuha ng Tagalog tutor.

He plays Gordon Smith sa MTB, business minded at lider ng GAYA Boys.

Talent naman ni Popoy Caritativo si Vince Vandorpe, ang Fil-Belgian model playing the role of Avi Jacobs. Mas marunong mag-Tagalog si Vince, pero hindi pa kaya ang straight Tagalog. First acting project niya ang MTB at enjoy siya dahil he likes acting, but he is still adjusting.

Ang iba pang kasama sa GAYA Boys ay ang Cebuano na si Dave Bornea bilang si Andrew Zapata at ang Ateneo graduate na si Carl Cervantes bilang si Yexel Smith.

Roxanne bumawi sa pagiging maldita

Masuwerte ang 2017 kay Roxanne Barcelo dahil may dalawang international movies siyang ginawa at isa rito ang Way of The Cross. Kasama rin siya sa cast ng Wildflower ng ABS-CBN.

Kontrabida siya sa Wildflower at babawi sa Way of the Cross dahil mabait siya bilang si Maria. Sobrang thankful si Roxanne na mapasali sa nasabing pelikula and to be working with the team na pang-global ang vision. 

Produced ng Kaizen Studios at Eye In The Sky Pictures ang nasabing pelikula ay directed by Spanish-Chinese filmmaker Antonio Diaz, Gorio Vicuna na siya ring scriptwriter at associate director si Anthony “Tboy” Diaz na lead actor ng movie.

Ang 95 percent ng movie ay kinunan sa Siniloan, Pakil, at Mabitac, Laguna at ang five percent ay kukunan sa Las Vegas. Ipapasok ng mga producer ang movie sa different international film festival gaya ng Cannes, Venice, Melbourne, Tribecca, Hong Kong at iba pa.

Show comments