Nora naudlot na naman ang voice therapy!

Naurong na naman palang muli ang voice therapy ni Nora Aunor sa Singapore dahil mas pinaboran niya ang imbitasyon ng ASEAN International Film Festival (AIFFA) para maging presenter ng AIFFA Lifetime Achievement Award. Magaganap ito sa Kuching, Malaysia ngayong araw na ito hanggang sa Mayo 6.

Anumang batikos ang matanggap ng Superstar dahil sa muling pagwawalang-bahala niya sa kanyang boses ay wala nang saysay dahil nakaalis na siya patungong Malaysia nu’ng Mayo 2.

Makakasama ni Nora sa nasabing pagtitipon si Jaclyn Jose na magbibigay ng inspirational talk sa ASEAN actors. Si Liza Diño-Seguerra ang guest speaker. Siyam na pelikulang Pilipino ang kasali sa AIFFA.

Alfie malaki ang galit kay Juday!

Akala ng marami ay magiging tahimik na ang paghihiwalay ng landas ng dating manager at talent na sina Alfie Lorenzo at Judy Ann Santos. Ilang araw din ang lumipas simula nang magpaalaman sila na walang narinig o nakitang reaksyon sa pagitan ng dalawa, pero heto pala at tuma-timing lang ang katotong Alfie na ngayon ay nagsisimula nang magbigay ng kanyang mga pahayag na malinaw na nagsasabing hindi niya tanggap ang pamamaalam ni Juday.

‘Di kaya dapat ay kausapin nang muli ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Juday si Alfie para tuluyan nang maayos ang lahat?

AiAi malabo nang makipag-ayos kay Kris?!

Marami ang nagulat nang mag-guest si AiAi delas Alas sa isang programa ng ABS-CBN. May pelikula siya sa Regal na kinailangan niyang i-promote rito.

Hindi naman siguro siya mapapanood at makakausap ni Boy Abunda sa programa nito kung hindi siya pinayagan o pinagbawalan ng Kapamilya Network o maging ng kanyang kinabibilangang istasyon ng TV ngayon na GMA.  After all, ginagawa lamang nila ang kanilang trabado. 

Sa ginawa niyang paglabas sa kalabang istasyon at sa pagsasabi ng posibilidad na baka makagawa siya ng pelikula sa film arm ng ABS-CBN na Star Cinema ay indikasyon na na nagkapatawaran na sila ng network.

Sila kaya ni Kris Aquino ay ganun din?

Show comments