Ngayong araw ay nagdiriwang ng kanilang ikawalong taong anibersaryo ng kasal sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Bilang selebrasyon ay nagpunta ang mag-asawa sa Italy.
“Before pa kami maglatagan ng Bet on Your Baby, naka-schedule na siya. ‘Yung stylist ko ikakasal din kasi sa Italy so actually ‘yon naman talaga ‘yung rason. Hinabaan ko lang ng slight ‘yung alis namin kasi sayang naman ‘yung pamasahe. Tapos medyo matagal rin ‘yung alis namin ni Ryan na kaming dalawa lang,” pagbabahagi ni Judy Ann.
Masayang-masaya ang aktres sa pagkakaroon ng tatlong anak at kung ipagkakaloob ay gusto pa raw ni Juday na madagdagan pa ng isang baby boy. “Bet naman pero hindi ngayon. Kailangan siya paghandaan, hindi siya pwedeng biglaan. Parang it’s the perfect bilang sa isang pamilya, three is enough. Kung i-bless kami ni Lord ng isa pa without really trying, ibig sabihin para siya sa amin. Kung hindi naman, okay lang din. Ako okay din kung may isa pang boy. Kasi ang lambing talaga ng boy. Si Lucho fills me with so much love. Kung bibiyayaan ako ng isa pa, okay lang din naman pero Lord hindi naman agad. Hindi naman namin nakaplano na magkaroon ng fourth baby. Ipon-ipon muna,” giit pa niya.
Ogie nahihirapang maghurado sa mga bata
Proud na proud si Ogie Alcasid para sa panganay na anak nila ni Michelle Van Eimeren na si Leila. Nagsimula nang subukan ng dalaga ang show business sa Pilipinas kaya todo suporta raw ang ibinibigay ni Ogie sa anak.
“Hindi naman nawawala sa akin ‘yung pagiging tatay. Siyempre lagi ko siyang pinapaalalahanan na magdasal lagi at maging madisiplina sa sarili niya. Kasi trabaho ito eh. Hindi ito laro,” bungad ni Ogie.
Samantala, sobrang nahihirapan daw ang singer-composer sa pagiging isa sa mga hurado para sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime. Lalo na raw ngayon na mga bata ang contestants ng nasabing contest. “Mas mahirap talaga kasi ayaw mo naman na masaktan sila dahil mga bata pa sila at talagang pinaghusayan nila ang kanilang performance. Hindi tulad noong regular Tawag ng Tanghalan, masasabi mo talaga at pwede mo ipa-gong. So mas mahirap talaga ngayon,” paliwanag ni Ogie.
“I’m always very excited ‘pag mag-judge ako kasi mga bata pa lang makikitaan mo na talaga na mayroon silang potential sa pag-awit at natutuwa ako kasi mga bata pa lang magagaling na,” dagdag pa ni Ogie.