^

PSN Showbiz

Pista ng pelikula tuloy, foreign films itsapwera muna sa mga sinehan

Rodel C. Lugo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wow, napakarami talagang proyekto at tutok na tutok si Film Development Council of the Philippones (FDCP) Chair Liza Diño sa local film industry. Kahapon sa ginanap na press conference ay may bago na namang inilunsad ang FDCP na tinawag na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na isasabay sa darating na Buwan ng Wika sa Agosto.

“Pista ng Pelikulang Pilipino will be a big celebration of Filipino films for our audience – a festivity with a wide variety of genre films to choose from nationwide,” pahayag ni FDCP Chair Liza.

Layon umano ng Pista ng Pelikulang Pilipino na mas marami pang Pinoy ang maengganyo na manood ng local films at mas mapasigla ang film industry ng bansa at mas mara­ming producer ang magpatuloy sa paggawa ng pelikula. Sasalihan umano ito ng iba’t ibang genre ng pelikula magmula family-oriented, romantic comedy, horror, fantasy, at mayroon ding historical films.

Ang Pista ng Pelikulang Pilipino ay tatakbo sa loob ng isang linggo mula Agosto 16-22, 2017. Bukas daw ang PPP sa lahat ng Filipino film producers na gustong sumali. Ang mga nais sumaling producer ay maaari nang i-submit ang kanilang application mula kahapon hanggang sa June 15, 2017.

Pipili ng 15 pelikula ang Selection Committee at mula sa shortlist na ito ay 10-12 ang pipiliin bilang finalists. Ang finalists ay mapapanood sa hindi bababa sa 60 sinehan sa bansa sa loob ng isang linggo o higit pa depende kung ie-extend ito ng theater owners.

Ang unang batch ng Selection Committee na ipinakilala kahapon ay kinabibila­ngan ng film editor na si Manet Dayrit, screenwriter na si Ricky Lee, at direk Joey Javier Reyes na pawang present sa press conference. Kasama rin si direk Erik Matti na hindi naman nakapunta. Dumalo rin ang ilang miyembro ng National Cinema Association of the Philippines (NCAP).

Proud si Chair Liza na banggitin na ang PPP ang pinakauna sa bansa kung saan pawang local films lang ang mapapanood sa mga sinehan sa loob ng isang linggo sa buong bansa.  Iaanunsyo ang mga napiling pelikula sa Hunyo 21, 2017.

Sabi pa ni Chair Liza, iba ang PPP sa ibang festivals dahil hindi ito contest at walang mga Best Picture at iba pang award. Tanging ang Audience Choice Awards na ibibigay sa Top 3 na pelikulang iboboto ng mga manonood base sa unang tatlong araw ng screening.

Umaasa si Chair Liza na susuportahan ang Pista ng Pelikulang Pilipino para mas sumigla uli ang local film industry sa bansa.

Ipalalabas ang mga mapipiling pelikula sa mga sumusunod na sinehan - Araneta Center, Ayala Malls, Cash & Carry, Century City , Cinema 2000, Commercenter Alabang, Eastwood, Festival Mall, Fisher Box Office, Gaisano, Megaworld Lifestyle Malls, NCCC, The Podium, Power Plant, Promenade Greenhills, Robinsons Movieworld, Shang Cineplex, SM Cinemas, Sta. Lucia, at Starmall Cinemas.

FDCP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with