Bukod sa premiere night, may plano na press preview para sa Luck at First Sight ng Viva Films dahil excited ang entertainment press na makita ang kabuuan ng bagong movie assignment ng direktor na si Dan Villegas.
Critically-acclaimed ang mga pelikula ni Dan, mapa-romantic/drama o horror kaya inaabangan ang Luck at First Sight na pinagbibidahan nina Bela Padilla at Jericho Rosales.
Si Dan ang direktor ng #WalangForever, ang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nina Jennylyn Mercado at Jericho noong December 2015.
Bago ipinalabas sa mga sinehan ang Walang Forever, ipinapanood ng Quantum Films sa entertainment press ang pelikula nina Jennylyn at Jericho na umani ng positive reviews kaya pinilahan ito sa box office.
Puwedeng mangyari sa Luck at First Sight ang naging kapalaran ng Walang Forever dahil alam ng lahat na magaling na direktor si Dan. Kahit simple ang kuwento, nagagawa ni Dan na interesting ang mga pelikula niya dahil mahusay nga siya na filmmaker.
Mismong si Dan ang nagsabi na tinanggap niya ang Luck at First Sight dahil sa kakaibang kuwento nito at bagong challenge ito sa kanya.
Sen. Manny at Australian boxer may promo
Nagharap kahapon sa unang pagkakataon sa Brisbane, Queensland, Australia si Senator Manny Pacquiao at ang Australian boxer na si Jeff Horn.
Ang paghaharap ng dalawa sa presscon ang katibayan na tuloy na tuloy ang boxing fight nila sa July 2.
Mainit ang pagtanggap kay Papa Manny ng mga kababayan natin sa Australia at siyempre, pinagkaguluhan din siya ng mga kalahi ni Horn.
In full force na dumalo sa presscon ng Pacquiao-Horn ang Australian media dahil excited din sila na makita nang personal ang sikat na Pinoy boxing champ.
Ang Suncorp Stadium ang venue ng laban nina Papa Manny at Horn. May mga promo (ticket packages at accommodation) para sa boxing match ng dalawa at marami ang kumakagat dahil malaki ang matitipid nila.
Trailer ng Mighty Yaya, umabot sa 1.5M ang views
Umabot na sa 1.5 million ang views sa full trailer ng Our Mighty Yaya, ang Mother’s Day offering ng Regal Entertainment, Inc.
Tuwang-tuwa si AiAi delas Alas at ang mother-and-daughter team nina Mother Lily at Roselle Monteverde dahil sa mga positive feedback sa full trailer ng pelikula nila.
Sa May 10 ang playdate ng Our Mighty Yaya pero noong nakaraang buwan, sinabi na ni Mother na ipagpo-produce pa niya ng another movie ang Comedy Queen dahil magaan ito na katrabaho.
May request ang entertainment press na magkaroon ng special preview ang Our Mighty Yaya bago ang showing nito sa mga sinehan dahil gustung-gusto na nila na mapanood ang pelikula.
Vic nagpaiyak ng tomboy
Mababa talaga ang luha ni Vic Sotto dahil parang maiiyak siya habang pinakikinggan ang mga emote ng isang tomboyita na kasali kahapon sa Juan for All, All for Juan ng Eat Bulaga.
Cry me a river kasi ang tomboyita na hirap sa buhay pero hindi nagsasawa na tumulong sa kanyang mga magulang at kapatid.
May live in partner ang tomboyita, ang babae na nag-promise na hinding-hindi iiwan ang lesbian lover niya.
Tuwang-tuwa ang tomboyita sa mga premyo na natanggap niya mula kay Bossing at sa Eat Bulaga. Hindi matapus-tapos ang pasasalamat kay Bossing ng crying contestant na grade three lamang ang educational attainment kaya nangangarap na maipagpatuloy ang pag-aaral niya.