Balik-tambalang serye nina Gerald at Kim isinabak sa umaga!

Kaya naman pala kahit ano’ng pag-iisip ang gawin ng manonood ay hindi nila malaman kung ano’ng oras mapapanood ang magsisimulang ser­ye ng ABS-CBN na Ikaw Lang Ang Iibigin dahil walang mababakanteng oras sa gabi o hapon ang Kapamilya Network. Ganun pa man, meron sila sa umaga dahil magtatapos na ang La­ngit Lupa at isang slot na pinala­kas at gi­nawang Prime Tanghali ng Be Careful With My Heart.

Maaaring sabihin na hindi pang-umaga ang Ikaw Lang Ang Iibigin. Napakalaki ng cast nito na pangu­ngunahan ng nagbabalikang loveteam nina Gerald Anderson at Kim Chiu. Idagdag mo pa sina Jake Cuenca, Coleen Garcia, Michael de Mesa, Gina Pareño, Bing Loyzaga, Ayen Munji-Laurel, Daniel Fernando, Dante Rivero, Nicco Manalo, Ivan Ca­raplet, Andrea Brillantes, at Grae Fernandez.

Isang kuwento ng pag-ibig ang Ikaw Lang Ang Iibigin na ginawa sa kapaligiran ng triathlon. Pare-parehong mahilig sa sports na ito ang apat na major character nina Gerald, Kim, Jake, at Coleen. Magkakaroon ng conflict kapag nagsimulang makaramdam ng damdamin at kumpetisyon ang apat. Maaaring nagkaroon ng pagkailang sa muling pag­sasama ng Kimerald, pero sa una lamang ito dahil mananaig ang propes­yonalismo at mababalik ang kagandahan ng pagtatrabaho nilang magkasama. Walang paghahandang ginawa for their roles lalo na sina Gerald, Kim, at Jake. Bago pa ang pelikula ay sumasali na sila sa sports competition. Maski ang mukhang lalampa-lampang si Kim ay nagpamalas na rin ng galing sa pagtakbo at pabibisikleta.

Maja nakatagpo ng panibagong glorya

Buti naman kung talagang nakatagpong muli ng kanyang glorya sa isang non-showbiz guy si Maja Salvador. Baka nga naman sa isang hindi artista ay maging mas masaya at matahimik ang kanyang buhay. Deserved naman niya ito after her failed relationships.

Sana talagang okay na rin sila ni Kim Chiu. Okay na ito at si Gerald Anderson, dapat maging okay na rin sila at mabalik ang kanilang friendship. Bigyan nila ng isa pang pagkakataon ang kanilang mga sarili.

Lotlot vindicated sa mga sinabi kay Janine

Ngayon, more than ever ay vindicated si Lotlot de Leon sa sinabi ng direktor ng kanyang anak na si Janine Gutierrez ng serye nito sa GMA na Legally Blind na “Janine is a better Lotlot”.

Buti na lamang at napatungan ito ng saya sa panalong ibinigay sa kanya at sa dalawang direktor ng 1st Sem sa All Lights India International Film Festival.

Mapapanood na simula ngayon ang 1st Sem sa mga sinehan. Binigyan ito ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Show comments