MANILA, Philippines - Nakapangingilabot ang entertainment value ng pelikulang The Bride. Sa una hindi mo maiintindihan agad ang nangyayari, pero kalaunan ay malalaman mong timeless ito.
Puno ng frightening entertainment ang trailer, tulad na lang sa isang eksena kung saan may isang babaeng paharap at pagapang sa kamera.
Ang mahiwaga’t nakakikilabot na kwento’y nagsimula noong unang panahon sa Russia kung saan may custom at tradition sila na nilalagyan ng make-up ang mga namatay upang magmistulang buhay.
Kwento ng isang small town girl na si Nastya ang The Bride. Dinala siya ng kanyang esposong si Ivan sa bayan nito upang ipakilala sa kanyang pamilya. Pagdating sa lugar, napuna ni Nastya na nagkamali siya ng desisyon. Nalilibutan siya ng mga weirdong tao at nakatatakot na litrato sa buong bahay. Soon, nawala si Ivan habang pinaghahanda si Nastya sa isang misteryoso’t tradisyonal na Russian wedding ceremony. Pilit niyang kinalma ang sarili, baka sakaling bumuti at umayos ang lahat. ‘Yun ay kung buhay pa siya…
Sinulat at dinirek ni Svyatoslav Podgayevskiy ang The Bride, isang Russian filmmaker na hinangaan sa blockbuster na Queen of Spades: The Dark Rite. Gumanap sila Vyacheslav Chepurchenko, Aleksandra Rebenok at Igo Khripunov. Kasalukuyang pinagkakaguluhan sa States ang pelikulang ito at pinalabas sa Russia noong January. Malapit nang maghasik ng lagim at aliw sa mga sinehan sa bansa sa first week ng May. Ang Solar Pictures ang exclusive distributor ng film.