^

PSN Showbiz

Awra may problema kahit nanalo ng bahay!

SANGA-SANGANDILA - Veronica M. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi talaga inaakala ni McNeil “Awra” Bri­guela na mabibigyan siya ng libreng bahay at lupa kaya nagsisimula na niyang pagandahin at i-renovate ang bahay na matagal na nilang tinitirhang mag-anak mula sa kanyang kinikita sa kan­yang pag-aartista. Maski na nu’ng kunin siya bilang kalahok sa Your Face Sounds Familiar Kids ay wala siyang masyadong expectation. Inisip na lang niya na mag-enjoy at huwag magpahuli sa performance ng pito pang batang nakalaban. 

Kaya when he emerged as champion sa nasabing pakontes ay tala­gang nagulat siya. Matagal bago niya na-realize na kasama ng P1-M cash prize ang isang libreng biyahe sa Korea at house & lot. Dapat maging masaya siya, pero namo­mroblema siya since nakapagsimula na siya ng pagpapa-improve ng orihinal nilang bahay. Malaki na ang gastos niya at hindi ito basta-basta maipagwawalang-bahala. Hindi dahil lang meron na silang matitirhang mag-anak na wala silang gagastusin ni singko sentimos ay iiitsapwera na nila ang bahay sa Las Piñas na hindi matatawaran ang mga masasaya at magagandang alaala na ibinigay sa kanya.  

Pero walang dapat proble­mahin si Awra, ang hindi niya ma­­titirhang bahay ay pwedeng paupahan at gawing isang in­­vestment. Kahit saan niya mag­pasyang tumira ay pwede dahil parehong gagastos siya ng pambili ng mga kasangkapan at gamit sa bahay, not unless completely furnished na ang premyo niyang bahay.

Andi may malaki raw problema

Bakit nga kaya kaila­ngan pang magsampa ng kaso ni Jake Ejercito sa korte para lamang makakuha ng joint custody para sa anak niyang si Ellie ga­yong never namang tinutulan ni Andi Eigenmann na mahiram niya’t makuha ang anak nila. Makakapagpatunay nito ang kapatid ni Andi na si Max Eigenmann na nagsilbing tulay sa dalawa. 

Malaking problema nga naman ni Andi ‘yung legal fees na pagdadaanan niya. Nasabi tuloy niyang walang sustento na ibinibigay si Jake kay Ellie simula nang lumabas ito sa mundo. Nag-aaral na ang bata, pero maski tuition fee ay wala siyang tulong na natanggap mula kay Jake. Ngayon siya rin ay bibigyan nito ng financial problem dahil sa malaki niyang bayarin sa kasong isinampa nito.

Masisisi ba si Andi sa pagsasabing pera lang ang gustong ipamata ni Jake sa pagsasampa nito ng kaso sa kanya?

Kasamaan nina Arjo at Eddie magtatagal pa!

Ibig sabihin ba ay tatagal pa ang pamiminsala nina Joaquin (Arjo Atayde) at Don Emilio (Eddie Garcia) kay Cardo (Coco Martin) at sa pamilya’t kaibigan nito? Inanunsyo kasi ng ABS-CBN na hanggang January pa ng 2018 aabot ang pag-ere ng FPJ’s Ang Probinsyano. Eh nasa first quarter pa lang tayo ng 2017. 

Mahirap kasing maputol ang pagiging salbahe ng mag-lolo dahil mahihirapan na namang huma­nap ng mga bagong kontrabida ang pulis na naka­kulong. Mahabang panahon ang kinakailangan para makapag-establish ng mga bago at magagaling na kontrabida tulad ng dalawang nabanggit. 

Matagal pa rin kikimkimin ng character ni Agot Isidro ang kanyang guilt para mapangalagaan ang kanyang anak. 

Pero wala tayong magagawa, choice ng mga manonood na huwag munang tapusin ang serye. Bukod sa magandang napapanood nila, maraming leksyon din itong ibinibigay na nakakatulong nang malaki sa mga manonood lalo’t panahon ngayon ng maraming karahasan.

 

MCNEIL “AWRA” BRI­GUELA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with