Blind auditions ng The Voice, tinutukan

MANILA, Philippines -  Maraming manonood sa buong bansa ang nag-abang sa unang batch ng teen artists na sumalang sa blind auditions ng The Voice Teens noong Linggo (Abril 16) kung kaya’t nagkamit ito ng national TV rating na 37.9%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Ito rin ang naging pinakapanood na programa sa buong bansa noong weekend at tinalo ang katapat na nakakuha lang ng 15.1%.

Hindi rin nagpahuli ang netizens na pinanood ang episode at nag-post ng kanilang mga komento online, kaya naman nanguna ang hashtag na #TheVoiceTeens sa listahan ng trending topics sa Twitter sa bansa at worldwide.

May tig-iisa nang artist ang teams ng coaches – ang four-chair turner at teen wonder ng Makati na si Mikko Estrada (coach Lea), ang astig singing beauty ng Pampanga na si Isabela Vinzon (coach Bamboo), ang isa pang four-chair turner at chicharon charmer ng Sampaloc na si Patrick Corporal (coach Sarah), at ang mega fan ng Cavite na si Zyra Peralta (coach Sharon).

Huwag palampasin ang iba pang artists na magbabahagi ng kwento ng kanilang pangarap at magpapabilib gamit ang kanilang boses sa The Voice Teens.

Tampok din dito ang pagsasanib-puwersa ng hosts na sina Luis Manzano at Toni Gonzaga.

Show comments