MANILA, Philippines - Level up ang DZBB radio programs nina Mike Enriquez, Arnold Clavio, Joel Reyes Zobel and Ali Sotto dahil aarangkada na rin sila sa News TV Channel 11.
Simula 6:00 a.m. to 11:00 a.m. eere na ang mga banner program ng DZBB na magsisimula sa Super Balita sa Umaga Nationwide. Susundan ng Sino? Sa Dobol B at Dobol A sa Dobol B.
Magsisimula ang Dobol B sa News TV sa Lunes, April 24.
Walang changes sa style ng pagbabalita at kometaryo nila sa pag-ere nila sa TV. Ang pagtutok lang ng camera ang maiiba.
Ayon kay Mr. Enriquez, mas magkakaroon na sila ng opportunity na maabot ang mas marami.
Ang nasabing move ay bilang tugon na rin sa clamor ng kanilang listeners na regular na nag-aabang sa kanila.
At dahil sa dalang aliw ng mga blind items ni Arnold Clavio, naging title na ang dating portion nilang Sino?
In fairness, maraming nakikihula sa mga blind item ni Igan mula sa ordinary listeners hangang sa mga pulitikong nakikinig sa kanila.
Patok din ang kanilang Jeng-Jeng/Balitawit na sila-sila lang ang nagsusulat kaya tinuturing na challenge ni Ali ang ginagawa sa radio na ngayon nga ay eere sa free TV.
Anyway, aminado ang bossing at isa sa mga haligi ng News and Current Affairs ng GMA na si Mr. Enriquez na pagdating sa rating ay tinatalo sila ng kalabang DZMM. “Number one sila, number two kami. Sometimes, number one kami,” pahayag ng bigatang news personality nang humarap sa ilang entertainment editors with Igan, Ali and Joel kahapon ng tanghali.
Kris wala sa mga balita ng pelikulang Crazy Rich Asians
Walang update si Kris Aquino kahapon kung natuloy ang pagpirma niya ng kontrata para sa movie version ng Crazy Rich Asians na pagbibidahan nina Constance Wu, Michelle Yeoh, Gemma Chan among other Asian actors for Warner Bros.
Adaptation ang pelikula ng super hit na libro with the same title.
Binura rin ni Kris ang ipinost niyang libro nito kahapon.
Wala pa rin kasi ang pangalan ni Kris sa mga artistang sinasabing kasali sa movie sa exclusive news ng Variety US Edition kung saan naka-headline na nga ang tungkol sa mga bida sa pelikula at ang sisimulan nga nitong movie version.
Nauna nang sinabi ni Kris na nakapasa siya sa limang level ng ‘intense scrutiny’ bago inoperan ng role.
“It is surreal to be reading the script from a major Hollywood studio watermarked on every page with my name. I signed a non disclosure agreement so until they reveal my participation I can’t share any details about the movie & my role,” bahagi ng Easter message ni Kris sa kanyang 3 million followers.
Wish ng followers ni Kris na ‘wag maudlot ang nasabing pelikula bilang pinangunahan na nga niya kahit pa nakakapirma ng kontrata.
OPM composer namaalam sa edad na ‘70
Ipinagluksa kahapon ang pagpanaw ng henyo ng musika na si Mr. Willy Cruz.
Kilala si Mr. Cruz sa mga sinulat nitong kanta na tinuturing nang classic sa kasalukuyan. Sumakabilang buhay si Mr. Cruz kahapon sa edad na 70.
Isa si Sharon Cuneta sa mga nagpahayag ng kalungkutan sa pagkawala ng OPM composer. “My Willy Cruz...my Willy has left me...
“My dearest, I have no words...Only tears...and gratitude...and love...what kills me is you didn’t have to go this soon...I will love you forever...
“Maraming salamat sa mga obra...higit sa lahat, sa tunay na pagkakaibigan at pagmamahalan...Rest in peace with Jesus, my friend...Til I see you again...” pakikidalamhati ni Sharon na isa sa mga ginawan ng mga ‘di malilimut ang kanta ni Mr. Cruz kabilang na ang Bituing Walang Ningning, Pangarap Na Bituin, Sana’y Wala Nang Wakas na kinanta ni Sharon.
Na-coma muna umano si Mr. Cruz bago tuluyang binawian ng buhay.