^

PSN Showbiz

Inspirational talk series ng TFCU, naganap sa Manila sa kauna-unahang pagkakataon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Bilang pagkilala sa kakayanan at potensiyal ng mga kabataang Pilipino, dinala ng ABS-CBN University at TFC, ang global media network ng ABS-CBN, ang kauna-unahang TFCU Talks sa Manila na pinamagatang Make Your Mark sa ABS-CBN headquarters sa Quezon City kamakailan.

Ang TFCU ay isang paraan para maabot ng TFC ang mga Filipino college at university students sa buong mundo sa pamamagitan ng serye ng inspirational at interactive discourses. Inilunsad noong November 2016 ang TFCU Talks. Binibigyan nito ang mga Filipino-American ng pagkakataong makasama ang iba pang mga kabataan Pilipino na gumagawa ng sarili nilang pangalan sa kani-kanilang larangan.

Nitong March 27, ang kauna-unahang leg nito sa labas ng North America, tampok ang ilang young Filipinos na matagumpay din na gumagawa ng kanilang marka - ang adventure journalist na si Garrett Gee, digital marketer na si Jonathan Joson, at computer engineer at innovator na si Aisa Mijeno.

Ayon kay ABS-CBN Managing Director for North America Olivia Finina de Jesus, nararapat lamang na bigyan ng kumpanya ng atensiyon ang susunod na generation ng Filipinos at ang kanilang lumalaking impluwensiya. 

Una sa listahan ng mga kahanga-hangang Filipino sa TFCU Talks in Manila ang travel journalist na si Gee ng social media sensation na Bucketlist family. Binili ng Snapchat ang Scan, Inc., ang kompanya niya at ng kanyang partners na inilunsad nila noong 2011. Noong TFCU Talks in Manila, buong pagmamalaki niyang ibinahagi ang isang upcoming project sa ABS-CBN International, ang Discovering Routes, isang digital travel and reality series. 

Payo naman ni Joson, pinakabatang awardee ng Young Masters Award (YMMA) na kanyang natanggap sa edad na 24, kailangang magbigay ng pamantayan ang isang tao.  Mahalaga rin ayon sa kaniya na maghanap ng mentor. 

Si Aisa Mejeno ng De La Salle University Lipa sa Batangas, ang nag-innovate, kasama ng kaniyang team members ang SALt Lamp or Sustainable Alternative Lighting Technology na isang paraan para magkaroon ng ilaw ang mga komunidad na walang elektrisidad. Nakilala siya nang makabilang sa Asia Pacific Economic Coope­ration (APEC) Summit forum kung saan mismong si former U.S. President Barack Obama ang namuno.

Ayon kay Gabriel Orendain, head ng ABS-CBN University, ang TFCU Talks ay bahagi ng misyon ng ABS-CBN na magbahagi ng mga ex­pe­riences na makaka-inspire sa mga Filipino na pag­ibayuhin ang kanilang mga buhay at sarili.

Samantala, nagbahagi rin ng kanyang performance ang kauna-unahang Grand Champion ng X Factor at Your Face Sounds Familiar finalist na si KZ Tandingan.

Mapapanood sa mga susunod na buwan ang kabuuan ng TFCU Talks: Make that Mark sa Facebook at digital properties ng TFC.

Ang susunod na TFCU Talks ay gaganapin sa sa April 22 sa Seattle, Washington U.S.A.

AISA MIJENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with