^

PSN Showbiz

Megan at Mikael nag-truck makarating lang sa Maldives

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Sa Maldives magpapalipas ng Semana Santa ang magdyowang sina Mikael Daez at Megan Young. Sa kanilang mga Instagram posts, makikitang ini-enjoy nila ang kagandahan ng Maldives na dinarayo ng mahihilig mag-dive at mag-beach.

Pero nag-truck ang magdyowa papunta sa tutuluyan nilang hotel bilang marami raw silang bagahe. Balitang hindi direct flight ang nakuha nilang ticket papunta roon. “Today’s transportation. We had too much stuff, so the hotel suggested we take a truck. Male to Maafushi today,”  balita ng dating Miss World makara­ting lang sa kanilang destinasyon.

May iba-ibang route papunta ng Maldives. Puwedeng galing ng Singapore or Kuala Lumpur.

Nabanggit din ni Kris Aquino na nagtampisaw sila sa Maldives kasama ang anak na si Bimby.

MTRCB chair maagang bumisita sa mga bus station

Maagang nag-ikot kahapon si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Rachel Arenas sa mga bus station para bigyang babala ang mga pasahero at bus operators ng mga dapat panoorin at hindi habang nagbibiyahe.

Sa kanyang Instagram account, makikitang may karga pang bata ang MTRCB chair sa loob ng isang bus.

Mahirap na nga namang malusutan. Sa haba ng biyahe ng ibang bus, kung anu-ano na lang ang isinasaksak na panoorin na nagsisilbing pampagising sa mga driver at conductor at nakakalimutang meron ding mga batang pasahero na bawal na nakakapanood ng mga bayolente, murahan at laswaan lalo na kung pirated copies pa ang isinasalang na panoorin.

Dagsa ang mga pasahero sa mga bus station lalo na ngayong Miyerkules na sinasamantala ang mahabang bakasyon sa paggunita ng Mahal na Araw.

Ignacio De Loyola palabas na sa jeepney TV

Abangan ang mga kwento ng pag-asa at milagro base sa tunay na buhay sa Jeepney TV dahil ipapalabas nito ang ilan sa mga paboritong episode ng Maalaala Mo Kaya, mga nakaraang Lenten specials ng It’s Showtime at ang magandang kwento ng pelikulang Ignacio de Loyola ngayong Mahal na Araw.

Ibinabalik ng Jeepney TV ang Aliptaptap, ang nakakaiyak na kwento ng MMK mula sa taong 2013 tungkol sa isang batang lalaki na kailangang magsikap upang suportahan ang kanyang pamilya at maging mata, kamay, at paa ng kanyang bulag na ina. Ang kwentong ito na pinagbidahan nina Zaijan Jaranilla, Paul Salas, at Precious Lara Quigaman na  ipalalabas ngayong Miyerkules Santo, April 12 (10PM).

Isa pang MMK classic, ang Poon, ay tungkol naman sa buhay ng isang ina at ang kanyang ‘di natinag na pag-asa at pananampalataya sa pagkamatay ng kanyang anak. Pinangungunahan nina Dina Bonnevie, Joel Torre, at Nash Aguas ang kwentong ito na unang ipinalabas noong 2006 at eere ngayong Huwebes Santo, April 13 ng 10:00PM.

Marami pang makukulay na kwento ng tunay ng buhay ang ipapalabas mula naman sa special Lenten dramas ng It’s Showtime ngayong April 13-14, ng 1:00PM.

Abangan si Karylle sa kanyang pagganap bilang Haydee Manosca, ang Stars on 45 Grand Champion sa Huwebes Santo.

Susundan ito ng Tinig ng Pangarap tungkol sa kwento ng Stars on 45 champion na si Ricardo Marcial.

Sa Chucks Ledbetter Story, si Coleen Garcia ang gumanap bilang That’s My Tomboy finalist, habang nanguna naman si Vhong Navarro sa kwento ng kanyang “kalokalike” na si Mark Tyler Dela Cruz na ipapalabas sa Biyernes Santo.

Tampok naman sa Linggo ng Pagkabuhay ang 2016 Filipino-produced film na Ignacio de Loyola na unang ipapalabas sa Jeepney TV ng 8:00PM. Ito ay tungkol sa isang lalaki na kinailangang itigil ang kanyang pangarap bilang sundalo at sinimulan ang kanyang paglalakbay upang maging isang santo. Ang pelikulang ito ay base sa tunay na buhay ni Ignacio de Loyola na naging santo sa ilalim ng Simbahang Katoliko. Ito ay pinagbidahan ng Spanish actor na si Andreas Muñoz mula sa directorial debut naman ni Paolo Dy.

Mapapanood ang Jeepney TV sa SkyCable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9.                                                            

MIKAEL DAEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with