^

PSN Showbiz

May utang pa rin daw James bumuwelta, tinawag na liar ang concert producer

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

“I’m sorry for the fans who were tricked into paying $250 for a brunch that was not approved. I didn’t even know about it until the day after,” ang tweet ni James Reid patungkol pa rin sa naging akusasyon ng concert producer na si Elaine Crisostomo na pinagpiyestahan sa social media last week.

Ang sinasabing brunch na hindi raw sinipot nina James and Nadine Lustre ang naging basehan ng galit ng producer sa San Francisco sa inilabas niya sa social media na ngayon nga ay lumalabas na hindi pala legit.

 “Elaine Crisostomo is not a credible promoter and a liar. She still owes our production head (not Nadine) $27,000,” sumunod na tweet ni James.

Paliwanag pa ng aktor “We went straight to our hotel room because of our 3am flight. Of course we’re tired. And Ellaine never spoke to me until after the concert,” dagdag na paliwanag pa ng actor.

“All the fans involved already know the truth. I hate to explain all this but I’m just annoyed that these lies are still being spread on TV,” sabi nito bilang sagot sa akusasyon ng producer sa magka-loveteam kung saan umere pa ang interview sa TV Patrol.

Bago si James nauna nang sumagot si Nadine sa social media. “One thing that I learned though. ALWAYS update everyone with what’s legit and what is not, so JaDines wont be tricked,” she said. “And before you spread shenanigans about us, PAY UP. You owe a lot of people money.” 

Naglabas din ng statement ang Viva Live at sinabi nga nilang wala silang alam sa sinasabi ng producer na si Crisostomo dahil iisa lang ang producer na kausap nila sa ginanap na JaDine US concert tour.

Sa ngayon ay hindi na visible ang Facebook account ni Crisostomo na sinusugod ng fans ng magka-loveteam.

MTRCB magbabantay sa mga malalaswang palabas sa mga bus

Magsasagawa ng inspection and information drive sa lahat ng pasahero at various bus terminals ngayong April 10 and 11 ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Mag-iikot ang ilang members ng MTRCB Board Members sa several bus terminals along EDSA-Cubao area on 10 April 2017 and in Manila area on 11 April 2017. Ito ay sa pagpasok ng panahon ng Semana Santa kung saan dagsa ang mga pasahero ng mga bus.

Ang nasabing activity aims to increase public awareness and to ensure that buses only exhi­bited materials within the General Audience (G) or Parental Guidance (PG) film classification para maprotektahan ang mga batang pasahero na hindi makapanood ng mga kalaswaan at hindi bagay sa kanilang mga edad.

Ang nasabing inspection ay bilang suporta sa kampanya ng ahensiya sa lahat ng bus operators to check their compliance to the rules and regulations of the Board, and for the bus commuters to be informed of their right to responsible, age-appropriate and value-based media while traversing aboard the mobile theaters and/or awaiting departure from bus terminal stations.

Dagsa-dagsa ngayon ang mga pasahero na gustong umuwi ng probinsiya para makapagpalipas ng Mahal na Araw sa kani-kanilang pamilya.

vuukle comment

ELAINE CRISOSTOMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with