MANILA, Philippines - Walang alam ang Viva Live sa mga reklamo at hinaing ng US concert producer na si Elaine Crisostomo kina James Reid and Nadine Lustre dahil wala silang contract na pinirmahan dito.
Ayon sa Viva Live, iisa lang ang kausap nilang producer sa ginaganap na JaDine US tour, si Nancy Yang para sa kabuuan ng concert at lahat ng kahit anong activities na hindi si Ms. Yang ang kausap ay hindi aprubado ng Viva. Ito ay ayon sa natanggap kong statement mula kay Ms. Pamela Diploma, Assistant Vice President, Concerts Department ng Viva Live.
At ang sinasabi raw na brunch with JaDine kung saan may bentahan ng tickets ay hindi authorized ng Viva ayon pa sa statement.
Narito ang kabuuan ng OS ni Ms. Pamela:
“Viva Live, the artists and their management, thank all who have shown their support for the JaDine US Tour. The Viva Live team worked hard with the artists to produce a great show for everyone.
“The negative statements made by San Francisco promoter Ellaine Crisostomo of Entablado are not only inaccurate but wrongfully directed by the artists and their management.
“Viva Live entered into contract only with Ms. Nancy Yang as promoter for the entire JaDine US tour. We are not privy or in direct contact with any other party or promoter for the entire JaDine US tour. Thus, any and all activities organized by Entablado outside of the final itinerary program agreed with Ms. Yang, are not authorized by Viva Live.
“The supposed ticketed brunch with fans organized by Ms. Crisostomo is not part of the final approved itinerary. Her statements imputing unprofessionalism and rude behavior against the artists and their management for not appearing in this unauthorized activity is clearly unwarranted.
“We reserve the right to resort to any and all remedies available in law and equity.”
Kumalat ang reklamo ni Ellaine na umano’y dating karelasyon ni Desiree del Valle sa Facebook kamakailan.
Sangkot sa isyu ang komedyanteng si Chad Kinis na kasama sa JaDine US Tour.
Jessica Soho forever na sa Gma
Nananatiling Kapuso ang Philippines’ most-awarded broadcast journalist at GMA News pillar na si Jessica Soho. Ito ay matapos siyang pumirmang muli ng kontrata sa GMA Network noong April 4.
Saksi sa nasabing contract signing sina GMA Network Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon; President and Chief Operating Officer Gilberto R. Duavit, Jr.; at si Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong.
Ibinahagi ni Soho ang kanyang kasiyahan sa pagpirmang muli sa Kapuso Network na naging tahanan niya sa mahigit na tatlong dekada niya sa broadcast industry. “Parang ang GMA at ako, may forever. Kasi ever since naman, mula magsimula ako hanggang ngayon, ito lang ang tahanan ko,” ayon kay Soho.
Binigyang-diin ni Atty. Gozon na si Soho ay nananatiling isa sa mga pinagkakatiwalaang broadcast journalist sa bansa. “Si Jessica, talagang icon na iyan at institution dito sa atin. Kamukha ng GMA, she is also a most trusted, hindi lamang as host kundi reporter at lahat na,” sabi ni Atty. Gozon.
Bilang tugon naman sa sinabi ni Soho tungkol sa relasyon niya at ng GMA Network, ito ang naging pahayag ni Mr. Duavit: “Jessica continues to represent and embody everything that is good and virtuous. Her loyalty is one of these. Nasisiyahan tayo sa patuloy niyang pagtitiwala and very happy because we have somebody who continues to inspire and set an example for all of us with us.”
Masaya rin si Mr. Yalong sa contract renewal ni Soho. “We’re very happy because Jessica is one of the pillars of GMA News and Public Affairs. In fact, ‘yung programa niyang Kapuso Mo, Jessica Soho continues to be the top rater,” sabi nito.
Si Soho ang host ng top-rating at award-winning news magazine program na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa GMA. Siya rin ang anchor ng flagship evening newscast na State of the Nation with Jessica Soho (SONA) at host ng investigative news magazine program na Brigada na parehong napapanood sa GMA News TV.
Ang kauna-unahang Pilipina na nagwagi ng prestihiyosong George Foster Peabody Award for Investigative Journalism noong 1999, si Soho ay patuloy na kinikilala ng iba’t ibang award-giving bodies mula sa loob at labas ng bansa. Kamakailan lang, iginawad ng Reader’s Digest Asia sa kanya ang Most Trusted News Presenter award. Ito na ang ika-pitong pagkakataon na tinanggap ni Soho ang nasabing award.