Viral na kuwento ng bata at ng matalinong aso, tampok sa Magpakailanman

MANILA, Philippines -  Gaano katotoo ang kasabihang “A dog is a man’s best friend?”

Ngayong Sabado (Abril 1), handog ng award-winning drama anthology ng GMA Network na Magpakailanman ang kuwento sa likod ng viral sensation na sina Eddie Boy Redoloza at ang kanyang matalinong aso na si Black Jack.

Itinatampok sa episode na pinamagatang Ang Best Friend Kong Aso: The Eddie Boy Redoloza and Black Jack Story sina John Arcilla bilang Sergio, Snooky Serna bilang Emmie, Will Ashley bilang Eddie Boy, Juancho Tri­vino bilang Alvin, at Jacob Briz bilang batang Eddie Boy. May special participation din ang bida sa kuwento na si Eddie Boy Redoloza kasama ang kanyang asong si Black Jack.

Maliit pa lamang si Eddie Boy nang mag­hiwalay ang kanyang mga magulang at dalhin siya ng ina sa Isabela upang ipaampon. Hindi alam ng kanyang ama na si Sergio kung saan siya hahanapin, hanggang sa ma­tu­lungan siya ng multi-awarded journalist na si Howie Seve­rino na makita ang anak.

Nagsama ang mag-ama at pinag-aral ni Sergio si Eddie Boy. Ang ta­na­ging kabuhayan lamang niya ay ang pag­tuturo sa kanilang mga aso na sina Ha­bagat at Bagwis ng nakakabilib na tricks sa mga dog show at malls. Matapos ang ilang taon ay pumanaw ang mga aso nila, isang pangyayaring lubos na iki­na­ lungkot nilang dalawa.

Nanumbalik ang saya ni Eddie Boy nang makita at ampunin si Black Jack. Pinaliguan, pinakain, at inalagaan niya ito ng husto. Tulad ng kanyang ama ay tinuruan rin niya si Black Jack ng tricks. Madalas silang pume-pwesto sa train stations at mga mall kung saan maraming tao ang dumadaan. Marami ang bumibilib kay Black Jack, dahilan upang ma­ging viral ito at si Eddie Boy sa social media.

Ngunit paano haharapin nina Eddie Boy at Black Jack ang pagsubok na nagiging sakitin na si Sergio? Paano kung malaman ni Eddie Boy na mayroon pa pala siyang isang kapatid na pinamigay rin ng kanyang ina? Mahahanap pa ba ito nina Eddie Boy at Black Jack?

Mula sa mahusay na direksyon ni Don Michael Perez, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA. 

Show comments