Walang kaabug-abog at bigla na lamang may bagong movie na ipalalabas sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Maliban sa ilang teaser ng Can’t Help Falling In Love na napapanood sa TV, wala nang iba pang balita tungkol sa pelikula kung saan ay mag-asawa ang role ng dalawang kabataang loveteam. Mag-asawa? Hindi kaya sobrang kumpyansa ang Star Cinema para pagkatiwalaan ng ganitong role ng dalawa? Paano pa kikiligin ang manonood sa mature nilang roles? Ano’ng first ang maio-offer ng kanilang movie sa fans? Nag-first kiss na sila sa Barcelona: A Love Untold, sa bago kaya nilang movie ay may lovescene na sila? Hindi imposible dahil mag-asawa ang role nila.
AiAi hindi nauubusan ng blessings
Sa kabila ng hindi matapus-tapos na bashing na natatanggap ni AiAi delas Alas dahil sa relasyon nila ng kanyang nobyong si Gerald Sibayan dapat masaya siya dahil lumelebel na ang kanyang BF sa mga responsibilidad nito sa kanya. Puspusan umano ang pag-iipon na ginagawa nito para mapakasalan na ang komedyante. Gusto niyang magpakalalaki at sagutin ang gastos sa kasal nila na siyang advice sa kanya ng kanyang ama.
Obvious na pati pamilya ni Gerald ay okay na kay AiAi dahil puspusan ang pag-alalay nila kay Gerald para magdala ng relasyon nila ng komedyante. Sobrang swerte na ang dumarating sa komedyante sa kanyang karera at personal na buhay.
Janine kinarir na ang pagiging bulag
Natural na sa Kapuso actress na si Janine Gutierrez na ibuhos ang lahat ng kanyang effort sa bawat role na ginagampanan niya. Lalo na ngayon at naniniwala si Janine na may magandang mensaheng gustong iparating ang role niya sa Legally Blind na si Grace. Sumali pa nga siya sa isang immersion kasama ang mga visually impaired para mas maintindihan ang pinagdaraanan nila.
“Na-inspire ako kasi hindi nila kino-consider na hadlang ‘yung pagiging wala nilang vision. May teachers doon na nagtuturo despite being blind tapos mayroon silang mga anak. And they are very inspiring.” Dahil dito ay ipinangako ng Kapuso actress na susubukan niyang iparating sa viewers ang kakaibang determinasyon ng mga visually impaired para ma-inspire rin ang mga manonood.