Aiza makikipaglinawan kay P-Digong sa same-sex marriage

May pangako ang couple na sina National Youth Commission (NYC) Chairman Aiza Seguerra at Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño-Seguerra na susuportahan ang kani-kaniyang trabaho sa gobyerno man o career. Kaya sa presscon/launching ng Cine Lokal na partnership ng FDCP at SM Cinema, present si Aiza.

Galing sa isang meeting si Aiza at sumaglit sa presscon bago pumunta sa kasunod na meeting. Siya rin ang nagpaalala kay Liza na after the FDCP/SM presscon ay may meeting siya para sa 2017 MMFF (Metro Manila Film Festival).

Very proud si Aiza sa mga papuri at kasipagan ni Liza at suporta sa local cine­ma maging sa indie films, directors, at producers. Ang wish ni Liza, madag­dagan pa ang walong SM cinemas na magpapalabas ng indie films.

Maganda rin ang balak ni Liza na magbigay ng FDCP card media para napapanood, nare-review at nasusulat ang indie films. Sana, this year na ito matupad.

Binanggit din ni Liza na in celebration of the 100 years of Philippine Cinema, may screening ng Filipino films sa Italy at Hong Kong sa April at sa Busan Film Festival sa October at sa iba pang film festival.

May Filipino Film Festival din sa ibang bansa, kasunduan ito ng FDCP at European Union dahil suportado ng FDCP ang European Film Festival.    

Samantala, hiningi namin ang reaction nina Aiza at Liza sa ipinahayag ni Pres. Rodrigo Duterte na hindi siya pabor sa same-sex marriage.

Sabi ni Aiza, willing siyang kausapin si Pres. Duterte para magkaroon ito ng different perspective sa issue. “Probably he never heard the other side. Given the chance to talk to him, ipapakita ko ang buhay namin. People his age, iba ang opinion at ‘yung mga nakakausap niyang kaedad niya. As long as hindi affected ang ordinances and laws on discrimination, hindi ako apektado.”

Inintindi ni Liza ang comment ni Pres. Rody at dahil na rin sa edad nito ay conservative ang pana­naw. Pero hindi siya na-offend o nasaktan. Kailangan lang daw ipaunawa sa Presidente ang buhay ng mga gaya niyang may asawang transgender.

Lovi patola na rin sa bashers

Natutuwa kami na tumatapang na ang mga ar­tista natin na sagutin ang mga walang magawang bashers. Ginawa ito ni Angel Locsin at sinagot ang isang nagrereklamo sa walang buhay daw niyang posts sa Instagram (IG).

Gusto rin namin ang sagot ni Lovi Poe sa basher niyang nag-comment nang mag-post ang aktres ng picture ni Zooey Deschanel at mag-quote ng line from the movie 500 Days of Summer. May nagmarunong at inaway si Lovi na galit at inggit daw ang aktres sa American actress dahil sobrang maganda ito.

Sagot ni Lovi, “LOL! Panoorin mo kasi ‘yung pelikula nang maintindihan ang post.” Mabuti at hindi na nagdagdag ng comment si Lovi na hindi galing sa kanya ang pinost niyang line, kundi sa lead actor ng movie para kay Zooey. Kaloka kasi ang mga basher.

Anyway, in-announce ng GMA-7 na sa Monday na ipakikilala ang complete cast ng Mulawin vs. Ravena na mapapanood sa 24 Oras. Kasama kaya ang pangalan ni Lovi sa ia-announce? Nabalita kasing kasama siya sa cast ng fantaserye at kung totoo ito, first time nilang magkakasama ng mga kaibigang sina Carla Abellana at Heart Evangelista.

Joross doble kayod para sa buntis na misis

Biniro namin si Joross Gamboa na nakikita namin siya sa lahat ng presscon na pinupuntahan namin. Suki kasi ang aktor sa Star Cinema movies at nakita namin siya sa presscon ng My Ex and Whys. Kasama rin siya sa Can’t Help Falling In Love nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. May Buy Bust pa siya sa Viva Films.

Sa telebisyon naman, sa GMA-7 siya may regular shows ngayon. Napapanood siya sa Encantadia bilang si Manik at kasama rin siya sa Full House Tonight. Kailangan daw niyang magsipag dahil buntis sa second baby nila ang kanyang misis.

Masaya si Joross na nasa Encantadia siya dahil dream niyang makapagsuot ng costume. Hindi niya napanood ang 2005 Encantadia dahil kasabay nito ang Ronin ng ABS-CBN na kanyang kinabibila­ngan.

May pasabog daw ang karakter niyang si Manik kaya dapat abangan.

Ika-6, anim na beses na sa isang linggo

Aprubado sa sumusubaybay ng Ika-6 Na Utos ang desisyon ng GMA-7 na simula April 1, Monday to Saturday na nila mapapanood ang istorya nina Rome (Gabby Concepcion), Georgia (Ryza Cenon), Angelo (Mike Tan), at Emma (Sunshine Dizon).

Ang sunod nating hintayin ay ang announcement ng extension ng Ika-6 Na Utos dahil balita namin, matagal-tagal ang extension nito.

Show comments