P100,000 ni Janella na nawala, naibalik agad

SEEN: Bayolente ang mga eksena ng Kong Skull Island pero binigyan ito ng PG classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) samantalang R-13 ang classification ng MTRCB sa Pwera Usog na hindi matitindi ang mga violent scene.

SCENE: Handang-handa na ang fashion designer na si Francis Libiran at ang kanyang partner na si Christian Mark Jacobs para sa kanilang same-sex wedding ngayong linggo sa Boracay island.

SEEN: Hustisya para sa walang awa na pagpaslang sa kanyang kapatid ang patuloy na ipinagdarasal ni Rochelle Barrameda at ng kanyang pamilya nang gunitain nila noong March 14 ang 10th death anniversary ni Ruby Rose.

SCENE: Hanggang hindi pa ganap ang kanyang pagiging seksi, dapat iwasan ni Aiko Melendez ang pagsusuot ng tight-fitting clothes sa mga eksena niya sa Wildflower dahil malupit ang mga TV camera sa voluptuous women.

SEEN: Sa Vibe Gastro Hub sa Mindanao Avenue, Quezon City ang exact location ng Hazelberry, ang coffee shop na pag-aari ni Ara Mina.

SCENE: R-18 ang classification ng MTRCB sa 2 Cool 2 be 4gotten, ang gay-themed movie ng Cinema One Originals na tinatampukan ni Khalil Ramos at ng mga baguhang aktor na sina Jameson Blake at Ethan Salvador.

SEEN: “Anyare?” ang tanong ng nakakarami tungkol kay Janine Desiderio dahil malaki ang ipinagbago ng hitsura niya nang makapanayam siya ng TV Patrol tungkol sa P100,000 na nawala sa Metrobank savings account ng kanyang anak na si Janella.

SCENE: Mabilis na inayos ng Metrobank management ang naging problema ng mag-inang Janine Desiderio at Janella Salvador.

“Thanks for the show of concern, guys! Fyi, as of late this afternoon, I was informed by Metrobank that they already replaced the amount that we lost. Thank you, Metrobank, for the immediate resolution of this case. I hope this doesn’t happen again to anyone. Beware & stay alert!,” ang statement ni Janine.

Show comments